Numero unong mapanira at namemersonal kay Alex Gonzaga itong si Manang Cristy Fermin na madalas niyang tirahin sa radio program niya at Vlog. Pero tahimik lang si Alex sa mga bira sa kanya ni Cristy kasi alam niya, na wala siyang ginagawang masama rito at hindi naman totoo ang mga sinasabi about her.
Hindi naman apektado ang career niya (Alex) bilang vlogger dahil kinikilala siyang isa sa mga Top Vloggers in the Philippines at mabenta pa ring product endorser na pinagkakatiwalaan ng iba’t-ibang company na kumukuha sa kaniya like Ever Belina, Snail White, Secosana Bags, Nature’s Spring at iba pa.
For her hosting career naman, after her stint in “Lunch Out Loud” in TV 5 ay agad na inalok si Alex ni Mayor Bullet Jalosjos ng Tape Incorportated para maging regular host ng mag-uumpisa pa lang noon na Eat Bulaga na TAHANANG PINAKAMASAYA na ngayon. Kaso nagbeg-off sila ng mom and manager niya na si Mommy Pinty dahil priority nito ang magbuntis.
Pero thankful si Alex sa offer na ito sa kanya ng Tape Incorporated.
‘Yung kanyang Vlog naman ay patok na patok pa rin sa kanyang fanatics kaya madalas ay millions ang kaniyang views.
Concert Ni Imelda Papin Sa ICM Park Sa Bohol Dinumog Ng Fans And Supporters
Grabe ang staying power ng singing career (international and local) ni Imelda Papin, na ngayon ay isa ng ganap na movie producer ng sariling pelikula na “LOYALISTA: The Untold Story of Imelda Papin.”
Yes, she is still the Undisputed Jukebox Queen. At muli niya itong pinatunayan sa kaniyang HEARBEAT CONCERT, a fundraising concert na ginanap sa Park ng ISLAND CITY MALL sa Tagbilaran, City.
Punong-puno ang nasabing venue na maaga pa lang ay dinagsa na ng fans and supporters ni Manay Imelda.
Kinanta nito ang ilan sa kaniyang classic hits na Guhit Ng Palad, Iniibig Ko Ang Iniibig Mo, Bakit- na signature song niya at Isang Linggong Pag-ibig na hanggang ngayon ay patok pa rin sa masa at ginawan ng maraming version ng ating mga local artists.
Bago ang kaniyang konsiyerto ay nagkaroon ng radio tour sa Tagbilaran Bohol si Imelda kasama ang magandang daughter actress-singer na si Maffi Careon at kaniyang mga sister na sina Gloria Belen at Aileen Papin at Gary Cruz na kaniyang mga special guests sa Heartbeat Concert.
Isa sa binisita nila ay ang KISS FM RADIO. At super dami ng nakinig sa kanilang nasabing guesting.
Nakakuha kami ng ilang larawan na kuha sa ICM Park na pinagkaguluhan si Imelda Papin.