Dominic Roque, nagsalita na tungkol sa isyu ng breakup nila ni Bea Alonzo

Hindi na napigil ni Dominic Roque ang kanyang sarili sa pananahimik at binasag na niya ang katahimikan.

Bagamat hindi siya mismo ang nagsalita kundi ang kanyang mga abugado sa Fernandez & Singson Law Offices ay ito na rin ang kanyang panig.

Sinabi ng kanyang mga abugado na malisyoso ang mga espikulasyon ng beteranang peryodistang pampelikula na si Cristy Fermin kaugnay sa mga sinabi nito na lumalabas na umano’y may mga benefactor si Dominic.

Una, ang ipinahayag ni Cristy na ang condo unit na tinitirhan ni Roque ay pag-aari ng isang mayamang pulitiko.

Ikalawa, sinabi pa rin ni Fermin na binigyan si Dom ng gasoline station ng isa ring mayamang pulitiko.

Ikatlo, nang dahil daw sa sinasabing prenuptial agreement, nagkasira at nagtalo sina Dominic at Bea.

At marami pang akusasyon.

Kaya umeksena na ang mga abugado ni Dominic mula sa Fernandez & Singson Law Offices.

Inilinaw ng law firm na ang condo unit ay pag-aari ni Bullet Jalosjos, ang alkalde ng Dapitan City sa Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Bullet na magkaibigan lang sila ni Dominic.

“Magkakabarkada kami nina Dom. Kami nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez. Pare-pareho kaming nagmomotor.

“Kaya walang katotohanan ang sinasabi ng mga marites. Ang rental business ay bigla na lang naging binahay,” natatawang pahayag ni Jalosjos sa isang panayam.

Ayon sa alkalde, ginawa niyang Airbnb ang kanyang condo unit at dahil nga kaibigan si Dom ay pinarentahan ang condo unit na ‘yon.

Ito namang gas station ay walang franchise, ang paglilinaw naman ni Congressman Bong Suntay, ang representative ng ika-4 na Distrito ng Quezon City.

“Si Dominic ay brand ambassador ng gas company namin,” pahayag ni Bong.

Kaya nga walang katotohanan na siya ay benefactor ng aktor at magkakabarkada rin sila nina Dominic.

“Madalas kaming mag-inuman nina Dom at Bea,” pagtatapat nga ni Suntay sa isang video interview niya kay Dom.

Ang Clean Fuel Gas ay simpleng ini-endorse lang ni Dom.

Wala ring katotohanan na nagkakagalit sina Dom at Bea nang dahil sa prenup agreement.

Wala rin silang pagtatalo sa kasong ito.

Basta maganda pa rin ang samahan nina Dom at Bea.

Kaya nga humihingi si Roque ng paumanhin sa kanyang mga katoto na sina Bullet at Bong sa pagkakasangkot sa kontrobersyang ito.

Samantala, sinabi naman ni Cristy na wala siyang binabanggit na pangalan sa kanyang mga sinabi.

Pangalan lang ni Dominic ang kanyang binanggit.

***************

Bongga ang retro showing ng pelikulang “Anak” sa St. Paul University sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Kahit 2000 pa ginawa ang obra maestrang ito ni Rory Quintos, ang direktor at ni Ricky Lee, ang screenwriter ng pelikula, bongga ang pagtanggap ng mga manonood sa pelikula.

Klasiko na nga ito dahil pagkatapos ng dalawampu’t apat na taon, kuwela pa rin ang mga witty at satirikong mga eksena at diyalogo ng pelikula.

Bongga si Vilma Santos dahil nandoon siya kasama si Ricky at nakaka-relate sa kanila ang mga tagapanood kahit matagal nang ginawa ang obra maestra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights