Shake, Rattle & Roll Extreme, May Karapatan Sa MMFF 2023

TAONG 2006 pa huling napanood ang Shake, Rattle & Roll XV, na naging isa sa official entries ng MMFF 2006. 

Itinuturing ito na iconic horror film series magmula ng mapanood noong 80’s. 

Ngayon tiyak na ikatutuwa ng lahat ng fanatics ng SRR, dahil muling ibinabalik ng Regal Entertainment Inc ang  16 installments na pinakasukdulang katatakutang “Shake, Rattle & Roll Extreme” na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Jane de Leon, Paul Salas, RK Bagatsing, Paolo Gumabao, Rob Gomez, Ac Bonifacio, Angel Guardian, Ninong Ry (isang social media influencer) at marami pang iba. At mga bigatin ang mga director ng tatlong episodes nito na “Glitch,” “Rage” at “Mukbang” na sina Jerrold Tarog, Joey de Guzman at Richard Gomez na pare-pareho ng naging director ng mga naunang Shake, Rattle and Roll. 

Dito sa SRR Extreme, magkakabarkada ang nakaranas ng mga pagpapakita ng masasamang espiritu at sila ay nagmukbang ng pira-pirasong laman ng tao. Nasa episode nito sina Paul Salas at AC Bonifacio. 

May halong action naman ang episode na pinagbibidahan ni Jane de Leon at siyempre si Iza Calzado na magpapakita na namang muli ng husay niya sa pagganap sa pinoy horror movie na ito. 

Ayon naman kay Jane de Leon ay favorite niya si Iza sa SRR at  bata pa lang siya ay pinapanood na niya ang Shake Rattle and Roll. Kaya’t laking tuwa niya at napasali siya dito sa SRR Etreme. 

“Nakakatuwa kasi laking Shake, Rattle & Roll ako since bata ako. Super dami ko nang napanood. At isa sa mga favorite ko yung kay Mama Iza (Calzado), yung Yaya and LRT, na entry sa Metro Manila Film Festival 2006.”

By the way for almost four decades, with 15 installments released, “Shake, Rattle & Roll” has become a part of every generation’s lives and nigtmares. The film series is  known for it’s blend traditional Filipino horror elements with modern storytelling techniques featuring the brightest actors. It has helped popularize the horror  genre by showcasing Filipino folklore and mythology with a modern approach, pushing bounderies of what is possible in Philippine cinema. 

At nakasanayan na ng moviegoers na tuwing festival ay mapanood nila ang SRR. 

Kaya itong Shake, Rattle & Roll Extreme ang dapat mapasama sa MMFF 2023 at punong-puno ito ng karapatan na mapanood ngayong December 25.

Triple A, May Pa Grandest Welcome Sa Drama Goddess Ng GMA-7 Na Si Carla Abellana

Super fabulous talaga at pinaghandaan ang Grandest Welcome ng Triple A o All Access to Artists, Inc. ni Direk Mike Tuviera na CEO at Presidente ng kumpanya, para sa  bago nilang star na si Carla Abellana. 

Ginanap ang contract signing cum presscon ni Carla sa Sampaguita Gardens Events sa New Manila QC, kung saan maliban sa pika-pika at catering ng sumptous dinner, ay may pa souvenier giveaways pa sa invited entertainment press ang Triple A na super galante at mabait noon pa sa mga reporter. At nagpabongga rin sila sa kanilang pa-raffle na waging grand prize ng P10K ang inyong kolumnista at 18 press naman ang mga nagwagi ng P5K each. 

Dapat at karapat-dapat talagang mahalin itong Triple A na kinabibilangan rin ni Sir Jojo Oconer (COO at CFO) at Head ng Operations na si Ma’am Jacqui Cara. Also Ma’am Celesti Tuviera na sister ni Direk Mike na nag-one on one interview pa kay Carla during the presscon proper. 

Nagsilbi naman host ng event si DJ Jaiho na pinasaya lalo ang contract signing ni Ms. Carla na diyosa ng kagandahan sa kanyang pink dress. 

Maging si Carla ay super happy sa grandest welcome na ito sa kanya. 

Samantala isa sa main goal ni Carla sa pagpirma sa Triple A ay makahanap na ng kanyang tahanan o network, na tiyak na maibibigay naman sa kanya ng bagong management. 

“It’s the truth naman po na wala naman po akong pinipirmahan pang kontrata with any network,” say pa ni Carla. 

At gusto ng versatile actress na sa pamamagitan ng Triple A ay makahanap na siya ng kanyang masasabing tahanan.

Noong May 2023 pa kasi na-expired ang contract with GMA Network. 

Well for sure maihahanap siya nila Direk Mike and company ng istasyon para sa kaniya. 

Nang tanungin naman ang dalaga sa mga kasama na niya ngayon sa All Access to Artists na sina Marian Rivera at Maine Mendoza, siyempre gusto raw niyang maka-work ang mga ito. At bilang content creator din, ang ilan sa gusto niyang gawin ay ang collaboration sa mga kapatid niya sa Triple A. 

“Mas may access na ako ngayon, mas may chance na ngayon, ‘di ba. Oh my gosh! Palapit na nang palapit ‘yung aking pagkakataon na makatrabaho sila. Hindi naman ako nangangarap na magkapelikula kami o teleserye or what. Puwede naman digital work ‘di ba, pwedeng for social media, walang problema. Of course, isa ‘yun sa mga wishlist ko or nasa bucketlist ko ‘yung makatrabaho ko sila. Sana of course, ito ‘yung magbukas ng hindi lang door or window lahat ng opportunity.” 

At dagdag pa nito, “I’ll be so happy if I were given that chance talaga ‘di ba, like for example with Marian again puwede namang drama, pwedeng social media.”

Gustong-gusto ring makatrabaho ni Carla si Coco Martin sa Batang Quiapo kapag inalok siya rito. At isa sa actor na gustong-gustong makatrabaho noon pa ay si Piolo Pascual. 

About her ex Tom Rodriguez naman, ay nakapag-moved na raw siya rito, at lagpas-lagpas pa. (CHIKANG LOKAL ni Peter Ledesma)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights