Nakaka-proud naman itong daughter ni Ma’am Maribel Aunor na si Ashley Aunor o mas kilala bilang si Cool Cat Ash.
Sa inilabas kasi na poster ng StarMusic.PH para sa celebration ng International Women’s Day, ay kabilang si Cool Cat Ash sa mga naglalakihang artists ng Star Music like Regine Velasquez, Angeline Quinto, Moira Dela Torre, KZ Tandingan, Belle Mariano etc.
Well, deserving naman si Cool Cat Ash kung isama ang picture niya sa mga ito at gumagawa na rin naman siya ng pangalan sa Music Industry. Hanggang ngayon ay patok ang kanyang song at namamayagpag rin sa Spotify ang release single niyang “I Find Love So.So.Weird.”
Yes, alagang-alaga ng Star Music si Cool Cat Ash.
By the way, sila ng sister niyang si Marion Aunor ang naging special guest performers sa MOFYA event ng OWWA na ginanap sa SMX Convention Center.
Applauded si Marion dito sa kanyang OPM classic medley. Also Cool Cat Ash na nagpakuwela naman sa audience.
Nagpapasalamat pala si Ma’am Maribel Aunor sa nag-invite sa kanyang artist daughters sa event na ito na si Director Jocelyn Ortega ng OWWA.
Pinasalamatan din niya ang admin ng OWWA na si Arnel Ignacio.
Singer na si Katrina Velarde May Big Zcon Concert sa Samsung Performing Arts Theater sa Abril
Wow, as of presstime, ay nasa 55 million na ang views ng Music Video ni Kartina Velarde para sa signature song niyang, “Lason Mong Halik.” At dahil sa popular song na ito ni Katrina ay dinudumog siya ng offers.
This coming April 13, 2024 at 8 P.M nga sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati ay mapapanood si Katrina sa kaniyang big concert titled, “Zcon The GEN Z ICON.” Special guests niya rito ang ASAP CHAMPIONS na sina Khimo, JM, Reiven at Sam. Produced ito ng AE o Aqueous Entertainment, ng parehong social media influencers na si Hungry Boss (David) at Kapitan VJ na si Vince.
Katrina is a crowd drawer at magaling siyang concert performer, dahil maging ang Asia’s Songbird na si Regine ay hanga sa kanyang belting power.
Ayon pa kay Vince, malakas ang benta ng ticket sa produced nila ni David na Zcon Concert ni Kartina.
Kaya sa mga hindi pa nakakabili, you can buy your tickets at TICKETWORLD or visit the AQUEOUS ENTERTAINMENT FB PAGE.
Kagagaling lang pala nina David at Vince ng Sorsogon para sa isang show with Jane de Leon at successful ito.