Promo Strategy ng “MALLARI” ni Piolo Pascual Bongga! Fancon sa MOA, etc Dinumog ng Fans

Feeling mo, sa sobrang husay sa pag-hahandle ng mga malalaking artista niya sa “MALLARI” headed by Piolo Pascual ay hindi baguhang producer itong si Sir Bryan Dy ng Mentorque Productions. Palibhasa matagal ng may pinapatakbong production house (Mentorque) na specializes in events, management, marketing at advertising itong si Sir Bryan. 

Kaya nang itayo nito ang movie production niya ay gamay na niya ang kalakaran ng showbiz. Yes kaya alam na niya kung papanu ang strategy na gagawin para ma-ipromote ng husto ang world-class at biggest horror at scariest movie na “MALLARI” sa moviegoers. 

At tagumpay siya rito dahil aside sa partnership ng kanyang Mentorque sa iconic American Film Production na Warner Bros. Pictures na home of classic horror movies, na siyang magdi-distribute ng MALLARI sa bansa at abroad, magmula sa mga presscon at grand mediacon ng MALLARI sa Cinema 5 ng SM Mall of Asia kung saan 100 ang invited na entertainment media (kabilang na ang inyong kolumnista), hanggang sa Big FANCON nito sa Activity Center ng MOA kung saan nag-perform ang lead casts na sina Piolo, Janella Salvador, JC Santos, Ron Angeles at iba pang performers ay naging very-very successful. 

Na-witness namin kung paano dinumog, pinagkaguluhan at kinakiligan si Papa P ng kanyang grupo-grupong fans, habang kumakanta. Also Janella and JC Santos na sigawan rin ang fans ng lumabas sa stage. 

Hosted nina Ogie Diaz at Mama Loi ng Showbiz Update and Ate Dick ang said event last December 1. 

Maganda  at very warm din ang response sa FANCON ng cast ng MALLARI sa Fisher Mall at SM City Lipa. At nakalulula rin ang giant electronic ball billboard nito sa SM Mall of Asia. Maging ang malalaking billboard nito sa Edsa ay kapansin-pansin rin at nasa maraming footbridge din ang streamer nito. 

Ipinaabot ni Sir Bryan ang suportang ibinibigay sa kanila ng nabanggit na Malls. 

“Thank you SM Supermalls and SM Prime Spot!!!” 

Nasa FB Page niya ang gratittude niya sa support ng mga ito sa first produced na big mainstream movie. 

Kaya ang suwerte-swerte ni Piolo sa movie outfit na ito, na ibinigay lahat para sa pinag-uusapan niyang MALLARI the movie. 

And in all fairness, hindi tumawad si Sir Bryan sa talent fee ni Papa P. na worth it naman at deserve ito ng actor dahil sa mahusay niyang nagampanan ang tatlong magkakaibang character sa iba’t-ibang henerasyon. 

Mula 1800s kung saan ginampanan niya ang first convicted pinoy priest na si Father Severino sa salang pagpatay. Kasama niya rito sina Doña Facunda (Gloria Diaz), Mylene Dizon, Ron Angeles etc. Siya naman si John Rey noong 1940’s at co-star niya rito sina Ellisse Joson bilang si Felicity, at Vangie Labalan as Maria Kapak. At para sa bagong henerasyon taong 2023, Piolo played the role of Jonathan at leading-leady niya rito si Agnes portrayed by Janella Salvador also JC Santos as Brother Lucas at iba pa. 

MALLARI is Directed by Derick Cabrido and from the screenplay of Enrico Santos  na kilala sa pagsulat ng mga horror movies sa Star Cinema. 

MALLARI is one of the official entries to the MMFF 2023 and showing in Cinemas Nationwide on December 25. 

Abangan sila ngayong December 16 sa MMFF Parade of the Stars (starts at Malabon and ends at Valenzuela Sports Complex). I’m sure kaabang-abang ang float ng MALLARI. 

By the way,  as of presstime ay humamig na ng 2.7 million ang views (still counting) ng Official Trailer ng MALLARI. 

Tiyak na gagawa ng history ang nasabing movie at ito ang first Filipino movie na distributed ng WARNER BROS. PICTURES.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights