Marion Aunor, Magpapakilig Sa Kanyang Valentine Concert

Kung magkakaroon ba siya ng Valentine show ay panonoorin banito ng kanyang fans?

Sa tanong na ito ni Viva artist Marion Aunor sa kanyang FB page nagsimula o naging dahilan kaya siya magkakaroon ng Valentine concert sa araw ng mga puso sa Pebrero.

Dahil marami ang tumugon sa kanyang FB post kaya hayan at wish granted sa mga lahat ng humiling.

Sa mismong araw ng mga puso, February 14 ay may Valentine Concert si Marion sa Viva Cafe na located sa Ground Floor ng Cyber Park Tower 1(near SM Cubao) Araneta City. The show will start at 8:00 PM and ticket prices are: VIP-P1500 and P800 for Regular. 

Tiyak na lalong mai-inlove at kikiligin ang mga lovers o kahit mga single sa mga inihandang repertoire ni Marion na karamihan ay mula sa kanyang mga hit songs. 

Kakantahin rin nito ang latest single na, “NAHULOG,” most viewed sa Youtube Channel na WILD DREAM RECORDS, na sariling music label ni Marion. 

Kaya doon sa mga walang ka-date ay watch niyo ang nasabing Valentine Concert ni Marion, at malay niyo dito niyo matagpuan ang inyong magiging special someone. 

Syempre darating sa concert ang famous businesswoman dear mom and sister ni Marion na sina Ma’am Maribel Aunor at Cool Cat Ash (Ashley) na all-out lagi ang support sa kanyang singing and acting career. 

After pala ng successful guesting ni Marion sa Roadshow ng WISH 107.5 ay nag-guest rin siya ng live sa Newsroom Weekend sa CNN Philippines. Ang saya ng live interview kay Marion sa show at kinanta niya rito ang Nahulog, na nagustuhan agad ng mga host at sobrang ganda naman kasi ng lyrics at melody nito.

Hitmaker Vehnee Saturno, Ginawan Ng Kanta Ang Singer Host Sa LA Na Si Jules Graeser

Kahit na may pangalan na sa Los Angeles, California ang recording artist at talk show host na si Jules Graeser, na indemand event host rin, nananatili itong humble and very down to earth kahit pa ang mga nakakasama sa event ay tulad ng ating Concert King na si Martin Nievera.

Maging  ang very popular at hottest Kapamilya loveteam ng DonBelle na si Donny Pangilinan ang guest sa sariling talk show sa LA na “Chatterbox” na mapapanood globally at nasa Season 2 na. 

Happy si Jules na maliban sa marami niyang projects ay natupad ang isa pang biggest dream na maging isang Recording Artist, sa pamamagitan ng single niyang “MAARI BANG IBIGIN KA” na written and composed by hitmaker Mr. Vehnee Saturno. 

Jules is very proud and happy dahil nagawan siya ng komposisyon ng isang Vehnee Saturno na composer ng mga sikat na awitin ng ating mga big local artist like Sarah Geronimo, JayR, Jessa Zaragoza and Jaya and many more. 

“What an honor to collaborate with the one and only Vehnee Saturno, one of the best composers of all time. He has written and composed a lot of singles like “Bakit Pa Ba” by JayR and “Forever’s Not Enough” by Sarah Geronimo! It’s pretty surreal and I still can’t believe it! Thank you everyone for your unending support!”

“The song (Maari Bang Ibigin Ka) is getting a lot of attention in the Philippines and it’s being streamed on Spotify all around the world! This is also available on Amazon Music, iTunes and all other music and streaming platforms. Kindly get your copies now,” pag-iimbita pa ni Jules sa mga bibili at mag-upload ng kanyang kanta. 

Nang una naming marinig ang Maari Bang Ibigin Kita, ay bigla naming naalala si Ariel Rivera. May konting hawig kasi ang boses ni Jules kay Ariel, pero siyempre may sarili siyang identity at sariling style sa pagkanta. 

Jules is also a dentist by profession in LA and endorser. 

Tinagurian din siyang Fil-AM King of Talk!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights