During “The Buzz”, ang pinakasikat na showbiz oriented talk show noon sa ABS-CBN nina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino, naging correspondent pala nila sa Hollywood ang famous Beauty Guru na si Monet Lu. Siya ang isa sa tagahatid sa kaganapan sa mga local celebrity natin na may ganap sa Amerika.
Ngayong kasalukuyang idinadaos ang Manila International Film Festival sa L.A. ay si Monet rin ang tagahatid ng magandang balita sa Vilmanians at Vilmates ng ating Star for All Seasons na si Vilma Santos na number one ngayon sa US ang “When I Met You In Tokyo” nila ni Christoper de Leon lahat ng screening schedules nito ay soldout.
Yes nang ipalabas ito sa favorite na sinehan ni Monet na TCL Chinese Theaters ay punong-puno ang nasabing sinehan. At sa pag-interview ni Monet ay iisa lang ang kanilang dialogue the best ang movie ni Ate Vi at Boyet.
Agad namang nagpasalamat si Ate Vi sa lahat ng mga kababayan natin sa Los Angeles, California na tumangkilik sa kanilang movie. Nagpa-thank you rin si Ate Vi sa kaibigan niyang si Monet Lu sa tulong nito sa promotion ng WIMYIT.
Ang forecast pala ni Monet ay si Ate Vi rin ang mananalong Best Actress sa awards night ng MIFF.
Nasa bansa na pala si Monet para sa mahabang bakasyon.
MANPOWER AGENCY NI MA’AM MARIBEL AUNOR, PATULOY SA PAG-EXPAND
Yes, hindi lang ang parehong showbiz career ng kanyang mga bebe artist daughters na sina Marion Aunor at Cool Cat Ash (Ashley Aunor) ang both successful sa kanilang mga inilalabas na album.
Maging ang sariling Manpower Agency ni Ma’am Maribel Aunor na GOLDEN LEGACY JOBMOVERS CORPORATION, na matagal na panahon ng nag-ooperate ay patuloy ang pag-expand.
Starting this 2024 ay authorized mag-recruit ng mga kababayan natin sa abroad ang PESO Office sa Roxas City, Capiz.
At narito ang locations at schedule ng kanilang recruitment na dadaluhan mismo ng personal ni Ma’am Maribel kaya’t sumugod na kayo.
Today, February 5-9:00 AM to 4 PM, City Mall Boulevard, Roxas City, Capiz at sa February 6- 8:00 AM to 5 PM at PESO City Hall Building, Tacurong, Sultan Kudarat.
GOLDEN LEGACY JOBMOVERS CORP, is on the move to bring you jobs that will help you reach your dreams and progress, to a better tomorrow.
Marami ng mga kababayan natin ang mga natulungan ng naturang Manpower Agency ni Ma’am Maribel na mabago ang kapalaran. Golden Legacy Jobmovers Corporation is located at Suite 102 & 701, Ermita Center Building, #1350 Roxas Blvd, Ermita Manila.