Inilabas na ng lahat na mga babasahin at mga programang pantelebisyon at social media ang dalawang itinuturing na salarin sa pagkawasak ng KathNiel, ang tambalan sa harap at likod ng kamera na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Nag-uumapaw sa malulusog na istorya ang pagkakasangkot ng dalagitang ito kaugnay ng pagkalansag ng itinuturing na pangunahing love team ng kasalukuyang henerasyon.
Gayunman, napakamasalimuot ng insideteng ito nina Kathryn at Daniel.
Hindi ito basta-basta lang na mga sinasabing ampaw na balita o isyu dahil napakalawak at napakalalim ng mga sirkumstansiya ng usaping ito.
Hindi lang ito showbiz kundi buong kaFilipinuhan.
Nakasandig ito sa kultura ng pag-iibigan ng mga kabataan lalo na ngayong liberal o makabago na ang timpla at ritmo ng relasyon ng mga kasarian sa hanay ng mga bagets.
Masyado nang mapusok o kaya naman ay salat sa katuturan para sa pagbabago ng lipunan para sa higit na kapakinabangan ng lahat.
Masyado nang komplikado na gumagapang ang kalabasa pero naiiwan na ang bunga.
At nasisiyahan na lang ang publiko sa kuwentuhan o tsikahan na wala nang pagkilatis kung ano ang ugat at epekto ng mga balitang panshowbiz.
Nauuwi na lang sa tsismisan at husgahang mabababaw ang lahat.
Tulad na lang ng pagkakaugnay ng mga batang aktres na sina Andrea Brillantes at Gillian Vicencio sa paghihiwalay nina Kathryn at Daniel.
Inaakusahan si Andrea na siyang ugat ng pagbi-break nina Kath at DJ.
Na kesyo nagkikita nang palihim sina Brillantes at Padilla.
Na kesyo nagkasama ang dalawa sa Spain at magkasuyo sa mga larawan na umapaw sa social media.
Na ikinatwiran naman ng mga maka-Andrea na matagal nang hiwalay sina Kath at Dan kaya walang kasalanan si Brillantes na siya ay maging malapit kay Padilla.
Ang bunga nito ay pagkarimarim at pagkasuklam ng mga tagahanga ng KathNiel kay Andrea.
Pinaliguan talaga nila kasama rin ang mga tagapag-obserba sa mga pangyayari ng masasakit na salita si Brillantes.
Wala pa ring opisyal na pahayag si Andrea kaugnay sa kanyang dinaranas ngayon.
***************
Samantala, sinabi naman ni Gillian wala siyang atraso kina Bernardo at Padilla at ayon nga sa mga lumalabas na komento, siya pa nga ay may alam sa mga tunay na pangyayari.
Na may natuklasan siya kina Daniel at Andrea na naikuwento niya kay Sofia Andres na kaibigang matalik naman ni Kathryn kung saan ang huli ay kumumpronta sa dating kasintahan tungkol sa kanyang mga naririnig.
Sinugod umano ni Bernardo si Padilla para pagpaliwanagin sa umano’y namamagitan sa kanila ni Andrea.
Nagsanga-sanga na nga ang apoy ng mga balita at kumalat na nang tuluyan samantalang may balita pang talagang nanindigan din ang mga higanteng puwersa sa pang-ekonomikong saysay ng paghihiwalay ng KathNiel.
Na talagang kailangang paghiwalayin na rin ang mga pagbabakas nila sa mga kontratang pangkabuhayan kaya damay ang tambalan.
O matagal na nga umanong hiwalay sina Kath at DJ pero kumukuha lang ng tiyempo para opisyal ang pagbabando ng kuwento.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Vicencio na barkada lang niya si DJ.
Ito anya ang dahilan kung bakit sila ay madalas makitang magkasama ni Padilla.
Huwag anya siyang idamay, ani Gillian sa kontrobersya dahil hindi ito totoo.