LA Santos, Sobrang Husay Sa “In His Mother’s Eyes” Nila Ni Maricel At Roderick

Very proud Mom si Madam Flor Santos sa first ever produced niyang powerhouse cast movie na “In His Mother’s Eyes” under her 7K Entertainment, na ang unang hatid na pelikula ay maganda at dekalidad na Family Drama movie.

Kabilang sa mga artista na bibida dito sina Maricel Soriano, Roderick Paulate at anak ni Madam Flor na si LA Santos at marami pang iba. 

Very thankful si Madam Flor kay Maricel at nakumbinsi niya itong gawin ang kanilang pelikula at napaka-supportive raw ng Diamond Star kay LA since magkasama ang dalawa sa Ang Sa Iyo, Ay Akin. 

Ang nasabing mabait at ma-PR na producer (Madam Flor) din ang pumili kay Roderick para gumanap na kapatid ni Maricel. Para sa kaniya  sa dami ng mga sinuggest sa kaniyang pangalan ay si Roderick lang ang nakikita niyang babagay sa role nito sa In His Mother’s Eyes. 

Dagdag kwento pa ni Madam Flor during our interview to her sa imbitasyon nila ng kaniyang buong team para sa pasilip na teaser ng In His Mother’s Eyes, sa sobrang internalize at intense umano ng mga eksena ni LA with Maricel, ay na-hospitalize raw ang anak at nag-palpipate raw ito dahil nadadala niya ang character bilang special child na may autism. Kumbaga hindi makabitaw ang young actor sa kanyang role. 

Ganito kasi siya noon in real life. Pero dahil sa tiyaga ni Madam Flor at tulong ng buong pamilya ay normal na ngayon ang gwapong singer-actor at wala ng bakas na special child. 

By the way, sa nasabing pasilip sa aming teaser with my co-entertainment writers and well known editors, nadurog ang aming puso sa aming napanood na eksena nina Maricel at LA. Lalo na ang paglayo ng loob ni LA sa ina, na nagtrabaho sa ibang bansa para sa kaniyang magandang kinabukasan. 

Matitindi ang confrontation scenes dito nina Maricel at Roderick and LA. May kurot din ang themesong nito na “Inay Patawad” na kinanta ni LA at komposisyon ng famous composer na si Jonathan Manalo. Agaw eksena rin si Ruby Ruiz na tsismosa at pakialamerang kapitbahay. 

Naku, bato at bakal na lang ang hindi iiyak dito sa In His Mother’s Eyes na dinirek ng sikat at premyadong TV and film director na si FM Reyes.   

Mukhang hahakot ito ng acting awards lalo na sa mga pangunahing bida. 

Sina Gina Marissa Tagasa at Gerry Gracio ang sumulat ng kuwento nito. 

Ang ganitong quality film ang siyang may karapatan na mapanood sa ngayong taong Metro Manila Film Festival. Yes intended ito sa taunang festival ngayong December 25. 

**************

Ashley Aunor a.k.a Cool Cat Ash, Agaw Eksena Ang Gown Sa ABS-CBN Ball 2023

Isa si Ashley Aunor o Cool Cat Ash sa kilalang artist ng Star Music na bahagi ng kanilang Star Pop Artists. At sa unang pagkakataon ay na-invite si Cool Cath Ash sa matagumpay na ABS-CBN Ball 2023 na ginanap recently lang sa Shangri-la Makati. 

Agaw pansin ito sa kaniyang gown na gawa ng fashion icon na si Albert Andrada, na designer din ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at iba pang celebrities and beauty queens. Si Albert ang gumawa ng blue gown ni Pia noong manalo itong Miss Universe. 

Napakahusay din ng glam team ni Ashley kaya lalong kuminang ang ganda nito sa said event. 

Nagawa pa nitong makapag Vlog, lalo’t kilala niya ang mga kapwa Kapamilya stars. Happy siyang nakarampa sa Red Carpet kasama ng mga big stars ng ABS-CBN. 

Samantala, sa October 25 ay isi-celebrate naman ni Cool Cat Ash ang kaniyang birthday at kasabay nito ang Album Launch sa Star Music. 

Tiyak magugustuhan na naman ng mga tagahanga ang soon to be released na latest album nito. 

Patuloy pa lang humahataw sa views sa IG ng Star Music ang kantang “MATABA” ni Cool Cat Ash, at marami ang naka-relate sa kanyang advocacy tungkol sa body shaming sa mga taong malulusog. Nasa mahigit 4 million views na ito at still counting sa rami ng mga interesado sa inspirational video na ito ni Ashley. ( CHIKANG LOKAL ni Peter Ledesma)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights