Jiro Manio, Tinutulungan Nina Direk Ryan At Direk Ron Para Mapalapit Sa Diyos

Ilang inspiring story ng pagbabago ang napanood namin na testimony ng mga umattend sa bible study nina Direk Ryan Manuel Favis at Direk Ron Sapinoso at Nathaniel Perez na mangagawa sa simbahan. 

Isa na rito ay ang semi-retired actor na si Jiro Manio. 

Sa panahon na kailangan ni Jiro ng gabay sa spiritual na bagay ay nariyan sina Direk Ron at Direk Ryan sa tabi niya, para ilapit siya sa Diyos. 

Alam naman natin kung ano ang mga pinagdaanan ni Jiro nang malulong siya noon sa  drugs, na ikinasira ng kanyang career sa showbiz. 

Sa spiritual na gabay sa mahusay na actor baka ito na ang maging daan para mabuo na uli ang kanyang pagkatao at balikan na uli ang career sa pag-aartista. 

May isa pang testimony sa nasabing Bible Study na umagaw sa aking atensiyon. Sa isang dating sakristan ng simbahan na napariwa ang buhay at simbahan raw mismo ay nanonood sila ng porno kasama ang kapwa sakristan at nanghihipo siya ng babae at namamakla. Kung hindi raw niya nakilala ang Panginoon ay baka lumubog na ang kaluluwa niya sa sobrang kahihiyan. 

Pinanood pala ng beteranang aktres na si Deborah Sun at ng inyong columnist ang live fellowship na ito sa Facebook Page ni Direk Ron Sapinoso. Member sila ng THE TRUE CHURCH OF GOD.

***************

Famous Beauty Guru Monet Lu, Magbabakasyon Sa Pinas

Maraming kaibigan sa entertainment press itong famous Beauty Guru at owner ng chain of Salons sa Hollywood California na kaibigan namin na si Monet Lu. 

Sa tagal na ni Monet sa mundo ng pagpapaganda hanggang ngayon ay wala pa rin itong kupas pagdating sa hair and make up na kapag inayusan niya ay lalong gumaganda ang aura. 

Sosyalin itong si Monet na naiimbitahan sa events tulad ng Golden Globe Awards na isa sa kinikilalang longest prestigious awards sa Hollywood. 

Pinanood din ni Monet ang nakaraang Ms. Universe 2023 sa El Salvador, bilang suporta sa pambato ng ating bansa na si Michelle Marquez-Dee, kung saan nakapag photo op siya sa mga runner-up ng Miss U. 

This February pala ay nakatakdang magbakasyon sa Pinas si Monet dahil noong nakaraang pandemic ay hindi siya nakauwi. 

Tatagal siya ng isang buwan rito para sa mga bibisitahing lugar at meeting with his old and new friends including your columnist and my friend Pete Ampoloquio Jr.  

Kahanga-hanga itong si Monet na kahit well-off na at can afford sa mga bagay na gusto niyang bilhin, ay mas gusto ang simpleng buhay lang at dito siya masaya. 

Super bait rin ng kaibigan naming ito sa lahat ng kanyang staff sa kanyang MONET LU SALON na ilang dekada ng nag-ooperate sa buong California.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights