![](https://i0.wp.com/www.diyaryopinoy.com/wp-content/uploads/sites/12/2024/04/2_20240408_225120_0001.png?resize=170%2C213&ssl=1)
DUMATING na sa buhay ni Angelica Panganiban ang tamang panahon na hindi na siya iiyak dahil sa kabiguan sa pag-ibig. Noong April 20, 2024 sa pangalawang pagkakataon ay nagpakasal sila ni Gregg Homan sa Siargao, na isang beach wedding ceremony.
Sobrang naging masaya para kay Angelica at kay Gregg ang mga piling kapwa artista na dumalo sa nasabing kasalan. Kilala kasi nila at alam nila ang mahabang kuwento ng mga kabiguan ng magandang aktres sa kanyang nagdaang pagmamahal at pakikipagrelasyon na nauwi rin sa hiwalayan.
![](https://i0.wp.com/www.diyaryopinoy.com/wp-content/uploads/sites/12/2024/05/FB_IMG_1713921223926.jpg?resize=262%2C393&ssl=1)
Hindi Playgirl si Angelica, dahil bumibilang ng mga taon ang tagal ng kanyang mga pakikipagrelasyon noon, ‘tulad ng itinagal ng relasyon nila ni Derek Ramsay ganu’n din ‘yong sa kanila ni John Lloyd Cruz. Idagdag pa d’yan na nu’ng bagets pa lang sila ay naging sila rin ni Carlo Aquino. Lahat nang nagdaang relasyon ay iniyakan ni Angelica.
Nang ipanganak ni Angelica ang una nilang anak ni Gregg, na si Amila Sabine or Baby Bean ay mas nakumpirma ng aktres na sobrang masaya na siya, lalo pa’t napakabait ng kanyang husband. Sila ay naunang nagpakasal noong December 31, 2023 sa Los Angeles, California, USA.