Darren Espanto at Cassy Legaspi, in love na in love sa isa’t isa

Hindi na nga mahuhulilip ang pagmamahalang ipinagkakaloob nina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa isa’t isa.

Saksi ang ABS-CBN Grand Ball 2023 sa pag-iibigan ng dalawang nilalang na ito na perpektung-perpekto ang relasyon sa takbo ng mga pangyayari.

Wala na ngang makakahadlang pa kina Cassy at Darren para ipagsigawan nila sa buong mundo na sila na nga ang nagkakaunawaan.

Sila ang young love, sweet love.

Kitang-kita ito nang sila’y kapwa dumalo sa party ng ABS-CBN sa Marriott Hotel Grand Ballroom.

Isang bungkos na mga bulaklak ang inihandog ni Darren kay Cassy na totoong nagbigay lalo ng inspirasyon sa bawat isa sa kanila.

Kahit ang mga magulang ni Legaspi na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ay ipinagmamalaki ang katuturan nina Cassy at Darren.

Gayunman, hindi naman ibig sabihin nito ay ipakakasal na nina Zoren at Carmina ang kanilang anak ky Darren.

Ito ay pagbibigay-laya lamang nina Legaspi at Espanto sa kanilang mga inspirasyon ng kabataan.

Pinababayaan lamang nila ang mga bagets na maranasan ang mga pagsintang pururot na maisatinig at maisalarawan nang bonggang-bongga.

Kaya nga kahit na may nabasa pa si Darren sa social media posts ni Cassy.

Kasi nga’y sinabi ni Legaspi na si Kathryn Bernardo ang tunay niyang date sa prom ng Star Magic.

Bagamat ipinagkibit-balikat lang ni Espanto ang balitang mas ipinagsabi ng kanyang kaibigang babae ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ng batang aktres ding si Kathryn Bernardo at sila talaga ang magka-date sa ABS-CBN Grand Ball, nagulat pa rin ang binata.

Ano nga kaya ang pakahulugan ni Cassy na sila ni Kathryn ang tunay na magka-date sa ball?

Magkaibigan lang naman sina Legaspi at Bernardo at walang dudang babaing-babae sila kapwa.

Samantala, alam ba ninyong isa si Darren sa magiging tampok na bituin sa paglulunsad ng bagong noontime show ng ABS-CBN sa loob ng labindalawang araw na tigil-pagtatanghal ang “It’s Showtime” dahil sa suspensyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa anito’y hindi pagsunod ng himpilan sa mga polisiya nito.

Ipinalabas pa rin kasi ng Channel 11 o A2Z at ng TV5 at iba pang istasyon ng media outlet ng Kapamilya ang pagsusubuan ng icing ng cake nina Vice Ganda at Ion Perez sa harap ng mga bata sa “Batang-Isip” portion ng “It’s Showtime.”

Noon pa naman ito bago lumipat o umalis ang show sa TV5.

Pero naninindigan ang ABS-CBN na walang palsong ginawa ang “It’s Showtime.”

Makakasama rin sa bagong show ng 12 na araw ang poging Star Magic stalwart na si Kyle Echaris.

**********

Samantala, guwapung-guwapo ang anak ng aktor na si Ronnie Lazaro na si Gabriel.

Kung si Ronnie ay magaling umarte, si Gabriel naman ay mahusay umawit.

Sa katunayan, si Gabriel ay nagtapos ng musika sa Berkley sa US.

Si Lazaro naman ay abalang-abala sa “Batang Quiapo” nila ni Coco Martin. (IMAGES by Boy Villasanta)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights