Good Game Movie Ni Donny Pangilinan ‘Di Lang Pang Pamilya, Pang ESports Pa

Naaliw kami sa junket presscon ng “GOOD GAME” nang sambitin ni Maricel Laxa ang tagline ng movie nila ni Donny Pangilinan, na ang said movie nilang mag-ina ay hindi lang pang pamilya kundi pang Esports pa. 

Kasi ito ang tema ng kanilang movie kung saan gumaganap na leader ng gamers itong si Donny as Seth sa Good Game. 

May puso yung movie dahil ipaiintindi ng film na ito sa lahat ng pamilya na dapat ang mga magulang ay parating may communication sa isa’t-isa. 

Ayon nga kay Tita Boots Anson Roa, kahit hindi marunong maglaro ng E-Game ay makare-relate sa istorya nila sa Good Game. 

Gumaganap na lola ni Donny si Tita Boots at husband niya rito ang kamamatay lang na si Tito Ronaldo Valdez. 

Ang Good Game ang dalawa sa movies na naiwan ni Tito Ronaldo bago siya nawala. 

Ang director at writer ng movie na si Prime Cruz ay isang gamer din at para lalong maging mas makatotohanan ang eksena ay ginabayan ng Metasports si Donny at mga co-tokwa bad bois na sina: Baron Geisler (Coach Kurt), Trickz (Gold Azeron), Johannes Risler (Kev), Igi Boy Flores (Joseph or Extra Rice), Kaleb Ong (Santino) at Icebox na mysterious and legendary skilled masked gamer whose identity is their skill.  

Katuwang rin nila rito ang Philippines Esports Organization. 

Sabi nga ng executive producer ng movie na si Sir Anthony Pangilinan, kailangan malaman rin natin ang mundo ng mga gamer nang sa ganoon ay maiintindihan natin sila. 

Ang multi-awarded singer na si Moira Dela Torre ang kumanta ng themesong ng movie na special treat ng MediaWorks sa lahat ng manonood ng Good Game sa opening day nito on January 24. 

At may red carpet ang buong cast sa Jan. 23 sa SM Megamall Cinema. 

In connection with their promo, aapir sina Donny at mga barkadang Tokwat Bad Bois sa isang sports event sa Mall of Asia Arena. 

Magkakaroon rin ng mall shows and school tours ang cast at mamimigay sila ng 25 brand new laptops. 

Ang Star Cinema ang magre-release ng Good Game movie. 

Ang nasabing movie outfit ang isa sa producers ng number 1 top grosser movie sa MMFF 2023 na REWIND. Ang GG ay collaboration din ng MediaWorks sa Create Cinema, Media Quest at Star Magic.

***************

Marion Aunor Got 2 Big Nominations At PMPC Star Awards For Music

Marami na talaga ang nakakakilala kay Marion Aunor. 

Yes, pinagkaguluhan siya ng fans sa recent guesting niya sa Wish 107.5 sa Eton Centris in Quezon City, kung saan kinanta ni Marion ang patok niyang latest single na “NAHULOG” from her own music label, Wild Dream Records. 

Kinanta rin nito sa nasabing guesting ang “AKO NA LANG,” na unreleased song niya. 

Well, bukod sa maganda at may talent ay malakas talaga ang karisma ni Marion sa kanyang audience. Kita niyo naman majority ng mga kantang cinomposed at nirecord ay pawang nag-hit including the movie themesongs she recorded. 

Marion got 2 big nominations also at PMPC Star Awards for Music-FEMALE R&B ARTIST OF THE YEAR category for “Traydor Na Pag-ibig” and REVIVAL RECORDING OF THE YEAR category para naman sa “Nosi Balasi.” 

Well, posibleng masungkit ni Marion ang dalawang parangal lalo’t lahat ng mga bumabati sa kaniya ay nagsasabing deserving siyang manalo. 

Of course, for me ay winner na ang pretty artist bebe daughter ni Ma’am Maribel Aunor at nabigyan niya ng justice ang pag-awit ng dalawang song na nominado siya. 

Agad namang i-pinost ni Cool Cat Ash ang nominations na ito ng kanyang sister na si Marion. Yes super proud siya sa achievements ng kanyang Ate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights