Pelikula ng KathDen, DongYan matindi ang tapatan sa MMFF 2024

Ngayon pa lang ay maraming producers na ang naghahanda para sa mga pelikulang gagawin nila na kanilang isasali sa Metro Manila Film Festival 2024. Kabilang na riyan ang Regal Entertainment, Star Cinema, Viva, Ideal First, CM Productions at marami pang iba pa. 

Pero ang tiyak na pag-uusapan ay kapag isinali ng Star Cinema at ng Myriad Entertainment (owned by Alden Richards) ang sequel ng “Hello Love Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa festival sa December. Kapag nagkataon ay mahigpit na makakalaban sa pagiging number one top grosser ang MMFF movie ng showbiz couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Remember ang DongYan ang number one top grosser sa MMFF 2023 sa movie nilang Rewind. 

Ilan pa sa makakabangga ng KathDen at DongYan ay ang entry ni Vice Ganda na “The Breadwinner” under Ideal First at ang entry ng Regal Entertainment na kung matutuloy ay Shake Rattle & Roll uli ang kanilang ilalahok. Tumabo kasi sa takilya ang SRR EXTREME na ipinalabas noong November 2023. 

May ginagawa rin sina Sen. Bong Revilla also Coco Martin na intended rin for MMFF 2024. 

Well, good luck!

Marion Aunor Imbitado Sa Berlin Music Video Awards Sa Germany  Para Sa MV Ng “NAHULOG”

Pang international level na talaga ang career ni Marion Aunor dahil aside sa pagiging Lifetime Grammy member, imbitado siya for her latest Music Video of her single “NAHULOG” sa Berlin Music Video Awards sa Germany.  

The Music Video of “NAHULOG” has been selected as part of the BMVA Silver Screening and will be shown at the Awards Show. 

Kaya ngayon pa lang ay excited na si Marion na dumalo ng personal para sa international event na isa na namang big achievement for her career as an artist. I’m sure sasamahan siya ng kanyang dear Mom Maribel Aunor at sister na si Cool Cat Ash sa pagpunta rito. 

Si Marion lang ang tanging Pinay singer na imbitado sa nasabing Music Video Awards na gaganapin nga sa Germany.  At bukod sa siya (Marion) ang sumulat at kumanta ng “NAHULOG” ay nais pasalamatan ni Marion ang bumuo ng kanilang Music Video ng Viva hunk leading man na si Marco Gallo. Sila ay ang sumusunod: Director and Director of Photography: Hiro Kobari, Editor & Colorist: Roy Justin Noble, Grip & Graffer & Production Assistant : Jian Dacquel, Ramon Valdez and Melbert Fontanilla, HMUA: John Rey Salva. Arranger: Mixed and Mastered by Ashley Aunor (Cool Cat Ash), Guitars: Eldrine Teodoro, Recorded by Ashley Aunor and Aunorable Productions and Published by Wild Dream Records na co-founder si Marion ng Viva Records at siya rin ang Creative Head.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights