
Sobrang nagmamadali naman yata ang TVJ porket kinansela ng Intellectual Property Office (IPO) of the Philippines kamakailan ang trademark registration ng TAPE INCORPORATED para sa titulo ng noontime show nilang EAT BULAGA.
Halatang masyadong atat ang TVJ na para bang mamatay sila kapag hindi napunta sa kanilang ang pangalang Eat Bulaga.
Pero ang katotohanan ay wala pang dapat na ipagbunyi ang tatlo at lahat ng kasama nila sa E.A.T dahil hindi pa final ang desisyon ng adjudication officer ng Bureau of Legal Affairs (BLA) at appeallable pa siya.
Ito ang tinuran ng magandang legal counsel at spokesperson ng Tape Incoporated ng mga Jalosjos na si celebrity lawyer Atty. Maggie Abraham-Garduque sa ipinatawag nilang presscon kamakailan.
Patuloy pa ng kaibigan naming si Atty. Maggie na well-loved sa showbiz, “Hindi pa po tapos (laban) o bago po ang findings ng adjudication officer ng Bureau of Legal Affairs ay maaring ma-reverse o maari ding ma-affirm on appeal. Kaya po ang sinasabi po namin, para wala ng maging confusion at magkaroon na ito na talaga ‘yung desisyon, ay pagbigyan naman po natin yung apela din namin na makaakyat at marinig din at huwag nating i-preempt ang desisyon ng body na mag-review or magtitingin ulit nitong desisyon ng adjudication officer,” sunod-sunod pang pahayag ng palabang si Atty. Maggie, na totoo naman dahil hindi pa umaabot ang kanilang apela na bawiin ang kanselasyon ng kanilang registration ng trademark ng Eat Bulaga sa director general ng IPOPhl kundi nasa adjuducation office pa lang kaya matatagalan pa o mahaba-haba ang tatahakin ng battle na ito sa trademark.
Nabanggit rin ni Atty. Maggie sa presscon na wala pa rin daw desisyon ang Marikina Regional Trial Court about copyright infringement and unfair competition complaints na inihain ng TVJ laban sa TAPE at GMA.
At sa tanong kung pwede pa ba nilang gamitin ang Eat Bulaga sa noontime show ng TAPE Inc.? Narito ang naging sagot diyan ni Atty. Maggie.
“Yes. Kaya ang desisyon po ng TAPE Inc. ay maari pa rin po naming gamitin ang EAT BULAGA sa aming show kasi po nasa amin pa rin po ang trademark registration, until such time na may final na desisyon na hindi na namin po puwede gamitin. And TAPE will abide the law, kapag yan ang naging desisyon nila, pero habang wala pa ay they owned the trademark of EB.
At para sa mas ikalilinaw ng isyung yan, noong 1979 kung saan taon na umere ang Eat Bulaga sa noo’y No.1 TV station na RPN 9, nag-request raw si former Congressman Romeo Jalosjos Sr., sa host kabilang na si Joey de Leon na magbigay ng maari nilang gamitin na titulo ng kanilang noontime show. Maraming title ang pinagpilian, hanggang sa pinal na mapili nila ang Eat Bulaga na si Joey nga ang nakaisip. Pero hindi porke’t sa kanyang idea ito galing ay siya na ang right owner nito. Talent siya (Joey) na sweldohan ng Jalosjos. Kaya ang totoong may-ari at higit na may karapatan sa trademark ng titulong Eat Bulaga ay si Mr. Romeo Jalosjos Sr. sa kanyang pag-aaring TV Production noon na PSI o Production Specialists, Inc na sa TAPE INCORPORATED na sa matagal na panahon.
Pahabol pa sa naturang issue ng trademark, say pa ni Atty. Maggie, ay hindi rin diumano nakalagay sa unang desisyon ng Bureau of Legal Affairs na dahil sa kanilang paggawad ng trademark sa TVJ, ay bawal na nilang gamitin ang Eat Bulaga. Kaya ang pikon ang siyang talo. Loud and clear!
************
“Broken Heart’s Trip” Producer And Cast Nagbigay Ng Masayang Christmas Party Sa Press

Halos buong cast ng “Broken Heart’s Trip” headed by lead actor of the movie Christian Bables and his co-stars ay aming nasilayan sa kanilang pa-Christmas Party sa entertainment media.
Kinaaliwan namin ang number nina Iya Minah and Petite and revelation para sa amin na Christian can sing din pala with his owned version of Pasko Na Naman of Ariel Rivera at maganda at malamig ang boses ng 2021 MMFF Best Actor.
Kumanta rin sa nasabing event sina Teejay Marquez, Jay Gonzaga at Marvin Yap na pare-parehong magaganda ang voice.
Dumalo rin sa naturang event ang Jukebox icon na si Ms. Eva Eugenio na kaibigan ng producer ng Broken Heart’s Trip na si Sir Benjamin Manansala-Cabrera ng BMC Films na infairness artistahin din ang mukha.
Yes maliban sa masasarap na pagkain at drinks ay pinasaya rin ng producer at head ng promo team na pretty friend naming si Ms. Aiz (Aileen) Domingo sa pa-raffle nila ng iba’t-ibang prizes sa press.
Thank you also to my dear Jonell Estillore for the invite.
By the way, mapapanood simula December 25 ang Broken Heart’s Trip sa over 30 cinemas nationwide at PG-13 and above ito mula sa MTRCB.
Isa pala ang float ng cast ng Broken Heart’s Trip sa pinagkaguluhan ng fans during the Parade of the Stars last Saturday.
Ka-join din sa casts ng said movie sina: Andoy Ranay, Jaclyn Jose, Arnold Reyes, Ron Angeles, Argel Saycon, Tart Carlos etc directed by Lemuel Lorca.