
Maugong ang balitang masama talaga ang tama ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo.
Mula nang makipaghiwalay sa bawat isa sina Kathryn at Daniel Padilla ay halatang maraming nais na makamtan ang matamis na “Oo” ng dalaga.
Paano naman ay libre na nga ito.
Na panahon na para makahanap siya ng bagong kanyang mamahalin at siya ay mamahalin.

Una nang namalas ng madlang pipol ang pagtatagpong muli nina Kath at Alden sa piging sa kaarawan ng batang aktres.
Masaya si Richards at nakabati siya sa kanyang mahal na leading lady sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema.
At umugong na nga ang balitang nililigawan ni Den si Kath.
Ikalawang pagkikita nina Richards at Bernardo ang pagpapabendisyon ng dalaga sa kanyang bagong bahay sa Antipolo City.
Maraming panauhin ang sinaludar ni Kathryn pero espesyal ang kanyang pagtanggap sa binata.
Nagpakuha pa silang dalawa ng mga larawan na nagpapamalas ng kanilang pagkapalakaibigan sa bawat isa.
Nakakiling nang sobra si Kath sa mga balikat ni Den.
Ito na nga ba ang ipinamamalas na katamisan ng pagsasama ng dalawang idolo sa kanilang mga tagahanga at tagapagmasid?
Mukhang magkakatuluyan ang dalawa.
KathDen nga ba ang susunod tambalan sa harap at likod ng kamera?
Sa aming palagay, noon pang nagtambal sa pelikula sina Kath at Den ay may tama na si Den kay Kath.
Masusubulan ngayon ang tunay intensyon ni Alden kay Kathryn.
Ngayon pa na nanliligaw din sina Jericho Rosales at Donny Pangilinan kay Kath.
Nauna nang nabalitaang malapit sina Echo at Kath nang magkasabay sila sa jogging sa isang sports oval sa Quezon City.
Pero hindi naman lumago ang istorya bagamat bigla na lang itong sumulpot muli.
Gayunman, may bersyon na tumigil na si Echo sa panliligaw kay Kath.
At ito naman umanong panliligaw ni Donny sa aktres ay tsismis lang.
********

Ang hindi tsismis at tsika ay paghahanap ng Water Plus Productions ni Marynette Gamboa ng gaganap sa karakter at buhay ni April Boy Regino.
Ang namamahala sa audition ay sina Gorgy Rula at Arman Reyes.
Si Efren Reyes, Jr. ang magdidirek ng biopic na pinamagatang “Idol” mula sa kanyang iskrip.