GRETCHEN BARRETTO, SASABAK NGA BA SA PULITIKA?

HABANG nananahimik sa buhay at nagsasaya si Gretchen Barretto dahil magiging lola na siya sa magiging unang apo mula kay Dominique Cojuangco, ay biglang nagkaroon ng bulung-bulungan na siya ay tatakbo bilang Congresswoman sa isang distrito ng Maynila. Kaya naman nagsimula nang umandar ang mga katanungan kung may karapatan ba at may magagawa ba si Gretchen kung totoong papasok na rin siya sa pulitika?

 

Mahirap kwestiyunin ang kapasidad ni Gretchen kung talagang mayroon na siyang desisyon. Matalino siyang tao, at mayroon siyang paninindigan kapag may mga nabubuo siyang desisyon para sa kanyang sarili. Bukod pa r’yan ay napaka-strong ng kanyang personality.

 

Kung pagtulong naman sa kapwa ang batayan, sa showbiz, si Gretchen ay masayahing tsikadora. Pero kapag mayroon siyang ginawang pagdamay at pagtulong sa kanyang kapwa, ay inililihim niya iyon. Ang mga taong kanyang mga natulungan ang masayang nagsisiwalat ng kabutihan ng magandang aktres.

 

Si Gretchen ay hindi maramot kapag siya ang mayroon. Hindi lang sa kanyang pamilya siya mapagbigay at tumutulong, bagkus ay sa maraming tao. Bukal sa puso niya ang ginagawang pagdamay.

 

Isang malaking panggulat sa showbiz ang ginawang pagbibigay-ayuda ni Gretchen sa mga kapwa niya artista at maraming manggagawa sa movie industry noong panahon ng pandemya. Sa mga kaganapang iyon ng pagtulong ni Gretchen ay wala siyang hinihinging kapalit. Basta gusto lang niyang makatulong.

 

Inaabangan na sa showbiz ang pagkumpirma ni Gretchen kung totoo o hindi, na papasukin na rin niya ang pulitika ngayong ayaw pa niyang magbalik-showbiz.

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights