Angeline Quinto, Nonrev Daquina Ikinasal Na Sa Quiapo Church

Last April 25 ay ginanap ang kasalang Angeline Quinto at Nonrev Daquina sa Quiapo Curch o Minor Basillica and National Shrine of Jesus. 

Dinagsa ng mga kaibigang artista ang kasal nila ni Nonrev. Ilan sa namataan ay sina Vice Ganda, Sarah Geronino and husband Matteo Guidicelli, Martin Nievera, Regine Velasquez, Dra. Vicki Belo, Erik Santos,  Ma’am Charo Santos at marami pang iba. 

Deboto ni Poong Nazareno si Angeline kung kaya’t ang Quiapo Church ang pinili niyang simbahan para sa kasal nila ni Nonrev. Habang palakad patungong altar ay kitang-kita sa mukha ni Angeline ang kasiyahan gayundin si Nonrev na nangako raw na si Angeline na ang huling babaeng kanyang mamahalin. 

Kasama ng bagong kasal ang kanilang anak na si Sylvio, na masusundan na raw at buntis si Angeline para sa second baby nila ni Nonrev. 

Sa kanilang engrandeng reception ay kumanta ang kaibigan at idolo ni Angeline noon pa na si Regine Velasquez na nagbigay payo sa newly weds. 

Dinumog pala ng fans ang kasalang ito. Pero may nagtatanong bakit wala raw si Coco Martin sa kasal ni Angeline. 

Hanggang ngayon ba ay may gap pa rin ang dalawa matapos ang kanilang short term affair? Just asking!

2nd single ni Jules Graeser na “KATUPARAN” inirelease kasabay ng kanyang birthday

Ayon kay Jules Graeser ay sagot sa follow-up single niyang “Katuparan” ang first single niyang “Maari Bang Ibigin Ka?” na nireleased last January. 

Parehong sinulat at composed ni Vehnee Saturno ang mga nabanggit ka kanta. Kaya sa mga in love diyan ay ang 2nd single na ito ni Jules ang para sa inyo na yung inaasam niyong pag-ibig ay may katuparan na. 

Last Friday lang inilabas ang Katuparan ni Jules pero malakas na ang feedback nito lalo na sa mahihilig sa OPM lovesong. At maliban kay Jules na masipag mag-promote ng kanyang mga song ay suportado siya ng kanyang first Fan Club dito sa Pinas na JulesNatics. At last Saturday ay muling nagsama-sama ang mga ito sa Chick N Dunk sa Junction, Cainta Rizal  para i-celebrate ang Special Day ng kanilang Idol. 

Ang inyong columnist ay naimbitan uli ni Jules para mag-cover ng okasyong ito. 

Co-owner si Jules ng Chick N Dunk together with his   social media influencers friends Sir David Bhowie C o Hungry Boss and Vince Apostol a.k.a Kapitan VJ. Bago.

Ang get together ng fans and supporters ni Jules ay last April 25.

 By the way, available na sa mga popular Digital Music Platforms ang “Katuparan” ni Jules like Spotify, Amazon Music, Apple Music, iTunes, Youtube, Tiktok and Jules Instagram and all other streaming platforms.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights