Ang bongga, naman ng Presscon ng BELMAN LABORATORIES para sa unveiling ng bago nilang 11 products, maliban sa kanilang V-22 Tablets na since 70’s ay subok na lakas todo para sa mga panabong na manok ng mga sabungero.
Ayon sa Vice President at tagapamahala ng BELMAN na si Ma’am Renee King-Rodriguez, apat na taon ang binuno ng kanilang kumpanya para sa 11 nilang produkto na mapapakinabangan ng mga breeders sa buong Pilipinas.
Totoo naman dahil pagdating sa animal healthcare products ay maaasahan diyan ang Belman na over 50 years ng pinagkakatiwalaan ng 3 henerasyon ng mga sabungero. At kaya marami ang bumibili ng V-22 ay bukod sa palaban ang mga panabong na makakainom ng bitaminang ito (na pwede rin pala sa tao), ay madalas panalo tuwing inilalaban sa sabungan at mga kompetisyon.
Si Master Long Mejia nga ang host ng PITMASTER na special guest sa Presscon, bata pa lang ay nakikita na ang lolong sabungero na gamit ang V-22 ng BELMAN LABORATORIES. Kaya rekomendado ito ni Long sa lahat.
Ang maganda pa sa mga produkto ng nasabing Animal Healthcare company ay affordable ito at maa-attract ka sa kanilang packaging.
Mabibili nationwide ang V-22 Tablets at ang 11 pang produkto ng BELMAN na, Laking V-22 VitaTablets, Laking V-22 SakitBuster, Laking V-22 Purgaling, Laking V-22 Kasado, Laking V-22 Bone Builder, Laking V-22 Siglakas, Laking V-22 Pulmotect, Laking V-22 at Hydrolyte.
Ang iba pang produkto mula sa Laking V-22 Masterbrand na vitamins, supplements, medicines na designated para sa mga young gamefowls ay ang mga sumusunod: Laking V-22 VitaPowder Jr., Laking V-22 Bone Builder Jr at Laking V-22 Pulmotect Jr.
Ipinakilala rin sa mga invited entertainment press, kabilang ang inyong columnist at vloggers ang kanilang mga Brand Ambassadors ng V-22 na sina Mr. Cris Alonzo, Mr. Carlo Dimayuga, Mr. Mark Tabilisma, Nicolas “Mang Nick” M Crisostomo na LGBA President, Mr. Mattew “Boknoy” Tormo (WPC Late Born Champion) at Ms. Bel Abanes.

Samantala, last Aug 27, ay halos mapuno ang Cinema 2 ng Market Place Kalentong, Mandaluyong City sa dami ng mga nanood ng Red Carpet Premiere Night ng pelikulang “MENSAHE ( The Unforgettable Message).
Dinaluhan ito ng lead casts na pinangungunahan ng young film actress and dancer na si Ysabella Orandain, Sofia Trish Cidro, Jamaica Burlat Sabaña at iba pang cast members, maging ng isa sa mga producers ng Mensahe na si DJ Alvin ng DJ ALVIN Film Production at Pure Garbage Films & Film Exposure kasama ang MSTUDIO, director ng movie na si Direk Mark Agcaoli etc.
Pare-parehong gumaganap ng importanteng roles sa movie sina Ysabella, Sofia at Jamaica na lahat ay standout sa mga ipinakitang acting at nabigyan talaga ng bawat isa ng justice ang kani-kanilang mga character tulad ni Ysabella bilang si Carla Francisco na lumutang talaga ang galing at husay sa kanyang role at Cindy (Sofia Trish Sidro) na mag-bestfriend sa movie at parehong Vlogger. Mahirap na high school student naman ang role ng batang aktres na si Jamaica Burlat Sabaña.
Nagsilbing host ng premiere night si DJ Alvin at sina Ysabella at Sofia Trish ang siyang nagbigay ng award at trophy sa mga awardee.
Anim sa nabigyan ng major awards ng DJ ALVIN PRODUCTIONS ay ang gumaganap na Sofia na si Jamaica na nahirang na Best Child Actress, Lee Mhar Xhyronie Ordoñez (Best Child Actor), Myka Angelika Ayagen (Best Child Performer), Zyhan Earth Raet (Best Supporting Child Actor), Ariella Scarlette Amero (Best Child Performer) at dalawa ang ginawaran ng Indie Film Actress Awards sina Kriszle Teope at Ayel Alura na portraying the role of Sofia Trish Mom, in Mensahe.
Tumanggap rin si Ysabella ng Plaque of Appreciation para sa mahalagang partisipasyon niya sa MENSAHE at Premiere Night nito.
Dumalo rin ang co-stars nina Ysabella sa said movie na sina Malayang Alagad (Kuya Bata), Nestor Nuñes Jr., Judy Flores, Ayel Alura, Kriz Teope, Chrislet de Leon, Lyel Mahusay, Xyronie Ordoñez, Earth Raet, Athena Aurio, Scarlette Amero at Myka Ayagen.
Halos lahat ng cast ay naghandog ng dance number na may solo at group. For me, pinakabongga yung production number nila Ysabella and Sofia Trish at Faith.
Present din ang halos lahat ng supportive parents sa kanilang mga anak led by Ma’am Cris Myla ang butihing Mommy ni Ysabella kasama ang lola teacher na si Ma’am Criste Angeles na bumiyahe pa from Virac Catanduanes, Bicol para mapanood lang ang pelikula ng apong si Ysabella. Very-very proud ito sa maganda at talented na granddaughter na si Yssa. (Chikang Lokal by: PETER LEDESMA)