CARLA ABELLANA, PAHINGA MUNA MAGMAHAL

PURO trabaho muna ang pinagkakaabalahan ngayon ni Carla Abellana. Bukod sa paggawa ng pelikula, busy rin siya sa mga teleserye. Pagkatapos siyang mapanood sa “Stolen Life” ng GMA-7 ay kasado na ulit ang pagbibida niya sa isa pang bagong teleserye.

Conservative at matapang sa buhay si Carla. Hindi rin madali para sa kanya ang makalimutan ang malungkot na hiwalayan nila ni Tom Rodriguez. Pero nakaya talaga niya bumangon at makalimot unti-unti sa nagdaang kabiguan.

Napakaganda ni Carla, kaya maraming kalalakihan ang nag-aabang ng pagkakataon kung kailan puwede na talaga ulit magmahal ang Kapusong aktres.

Kaya lang, kauna-unawa naman si Carla kung sa ngayon ay matigas muna ang kanyang puso para sa pagdating ng bagong pagmamahal. Malalim siya kung magmahal sa karelasyon. Nagtagal sila noon ni Geoff Eigenmann bagong natapos ang relasyon. Nagtagal din sila ni Tom sa relasyon bago nagpakasal at biglang naghiwalay.

Pero hindi pa nagsasarado ng puso si Carla na ibig sabihin ay manhater na siya. Dahil kapag daw dumating ang pagkakataon na naramaman niyang puwede na siyang mainlab ay hindi niya kokontrahin ang sitwasyon.

–o(O)o–

DAVID LICAUCO, MAGALING MAGDALA NG PERSONALITY

WALANG duda na kapag binanggit ang mga pangalan ng mga pambatong kabataang aktor ng GMA-7 ay isa si David Licauco sa masasabing napaka-wholesome ng image.

Magaling magdala ng kanyang personality si David, dahil bukod sa kanyang kaguwapuhan na kinambalan ng magandang katawan, kahit pagpantasyahan siya ng mga humahanga sa kanya ay naroon ang pagrespeto sa kanya. Paano naman, isa sa maganda niyang katangian ay umaapaw ang kanyang breeding.

Wala naman kasing panahon si David na mag-aksaya ng oras. Sobrang seryoso siya sa buhay. Maagap siyang tinuruan ng kanyang mga magulang na mag-business. Time is gold para sa kanya. Hang nage-enjoy siya sa kanyang showbiz career.

Napakatotoong tao rin ni David. Wala siyang masamang intensiyon sa buhay. Patok ang loveteam nila ni Barbie Forteza, dahil marami na silang pinagsamahang proyekto. Hindi nagpapaasa si David sa kapritso ng mga fans nila ni Barbie, na dapat ay magkaligawan sila ng young actress patungo sa relasyon, para todo ang kilig ng kanilang tambalan.

Klaro kay David ang lahat. Magka-loveteam sila ni Barbie magmula sa pinagsamahan nilang mga proyektong “Heartful Cafe,” “Mano Po Legacy: Family Fortune,” “Maria Clara at Ibarra,” “Maging Sino Ka Man,” sa pelikulang “That Kind Of Love” hanggang sa “Pulang Araw”. Pero trabaho lang ang mga iyon. Magkaibigan sila ng young actress, dahil si Jak Roberto ang totoong boyfriend ni Barbie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights