Vina Morales, Natuto Na Sa Pag-ibig

Sa dinami-dami ng minahal at nakarelasyon ni Vina Morales ay may iilan ang nanloko sa singer-actress-businesswoman. 

Ang nakaloloka pa, ay may involve na pera. 

Yes hindi man nagpa-interview si Vina, pero may source kami na sinabihan niya sa ginawang pangungutang sa kanya noon ni Cedric Lee, ama ng daughter na si Ceana, na diumano’y million ang nakuha sa kanya at hindi na naibalik pa. 

Kaya tama lang na dapat piliin na ni Vina ang guy na susunod niyang makakarelasyon. 

At ito na nga, may bagong dyowang Afam ang bisayang aktres si Andrew Kovalcin na last Nov 2022  ay nakasama na niya sa bakasyon sa Boracay.  

Kwento pa ni Vina dalaga pa siya, o 23 years ago ay nagkakilala sila ni  Andrew sa Hawaii and then pinuntahan siya nito sa Miami Florida ng magkaroon siya ng US Tour. Tapos pinanood siya ni Andrew sa kanyang Broadway Musical na Here Lies Love sa LA. 

Well, mukhang madatung naman ang nasabing amerikano kaya safe sa kanya si Vina.

***************

Director Ng “Broken Heart’s Trip” Na Si Lemuel Lorca Pinuri Ang Cast At Producers

May ilan pa lang na-iinsecure sa pagkakapasok ng “Broken Heart’s Trip” sa MMFF 2023. 

Anila, malakas lang daw ang producer kaya sila nakasali, kaya naman pinalagan ng director ng movie na si Direk Lemuel Lorca ang isyu. 

“Parang ayoko namang i-discredit ‘yung nagawa na trabaho ng mga tao, yung nagawa ng mga artista, mga writers natin from the original concept ni Lex Bonife and Archie del Mundo. Parang ayokong i-discredit to even acknowledge that kind of humor.”

I must agree with Direk Lemuel, lalo’t maganda ang storyline ng kanilang movie at hitik ito sa katatawanan. Siguro nag-enjoy ang MMFF Selection Commitee habang pinapanood o nire-review nila ang Broken Heart’s Trip at ang desisyon nila ay pasado ito sa kanilang criteria, lalo’t sa festival ngayong December 25 ay kailangang mapasaya ang manonood dahil panahon ng kapaskuhan. 

At magbibigay aliw saya sa kanila ang pelikulang ito nina Christian Bables, Andoy Ranay, Marvin Yap, Teejay Marquez, Petite, Iya Mina. 

Dagdag pa ni Direk Lemuel sa ibinabato sa kanilang intriga, “So I believe na nakapasok siya (Broken Heart’s Trip) because of the merits of the film. Mahuhusay yung mga artista ko. They have the track record, especially si Christian nga evey year nananalo… sa magagandang track records niya sa MMFF. Ang writer namin just won sa Venezuela ng writing for Siglo sa last movie namin. So I have to give credit to the people behind the camera and nasa harapan ng camera na… I think we’ve given more than 100 percent of our time and talent here na feeling ko, deserve nilang makapasok sa MMFF. Dapat panoorin para ma-justify.” 

Pahayag pa ni Direk Lemuel na puring-puri ang producer nila na BMC Films with Smart Films dahil hindi tinipid sa budget ang kanilang movie. 

Yes ibinigay raw lahat ng mabait at very supportive nilang producers kung ano ang kanilang kailangan para lumabas na maganda ang project nilang ito, kung saan dadalhin ang mga magwa-watch ng Broken Heart’s Trip sa mga tourist spot o beautiful places sa Pinas tulad ng Mt. Banahaw, Pagudpud sa Ilocos Norte, Kawasan Falls sa Cebu at Magdalena sa Laguna kung saan makikita ang dinarayong Magdalena Laguna Church . 

At dahil isang LGBTQ movie ang Broken Hearts Trip, ay natanong ang pangunahing bida na si Christian kung approve ba siya sa same sex relationship lalo’t vocal siya sa pagsabing straight ang preference niya sa kabila ng intriga sa kanyang gender. 

“Walang gender ang love,” say pa ni Christian.

“Iyon yata ang isa sa mga libreng bagay.. bagay ba siya? O basta libre dito sa mundo na puwede natin ma-enjoy, ang pagmamahal. Kung i-oopen ni God ‘yong heart ko and mind ko for that, why not?,” buong ningning pang sagot ni Christian sa diretsahang tanong sa kanya about sa gay relationship. 

Sa tanong naman kung umaasa si Christian na masungkit uli ang Best Actor award sa Gabi ng Parangal ng 49th Metro Manila Film Festival, ay hindi raw siya nag-eexpect pero sana kumita raw ang kanilang pelikula. 

Oo naman, nangagamoy na isa sa magiging top-grosser sa festival ang Broken Heart’s Trip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights