Patuloy ang alingasngas sa paghihiwalay nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.
Bagamat walang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa kanilang breakup, maraming sapantaha at akusasyon ang lumalabas kaugnay sa isyu.
Sinabi ni Ricci na marami silang mga bagay at desisyon sa kanilang career at personal na buhay na taliwas sa isa’t isa at nauunawaan naman nila ang mga ito.
Gayunman, hindi mapigilan ang paglabas ng mga intriga laban at pabor sa kanila.
Kabilang sa mga kontrobers’ya ang umano’y pagiging user, cheater at namera ni Rivero kay Andrea na inalmahan naman ng ama nito na si Paolo Rivero. Itinanggi ng tatay ng basketbolista ang mga akusasyon ng kampo ni Andrea.
Sa panig naman nina Ricci, maayos naman ang kanilang diskarte ngayon.
Mahusay naman ang kanyang pagpapatakbo sa kanyang career!
Ngayon ay inaasahan siya ng LPG para sa pagpapaningas ng kanilang koponan!
Kaya ang mga koponan ng grupo ni Ricci ay inaasahan na makapagbibigay ng magandang pagkakataon sa pagtatagumpay ng team ni Rivero.
Ngayong nasa Isabela kami, napatunayan naming matimbang ang dugo kaysa tubig nang ipahayag ang katuturan ng basketball ng mga Rivero sa hardcourt.
Para sa mga Rivero, nasa kanila ang tunay na pagkandili sa iniirog ni Ricci, si Leren Mae Bautista.
Nagpasya na si Ricci na si Leren ang kanyang mamahalin.
Ipinagpalit nga ni Ricci si Andrea sa kanyang kaibigan na si Leren Mae.
Mas kontento si Brillantes sa mga kalalakihan na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon ng paglaban sa maling sistema ng pagkakapantay-pantay ng lalaki sa babae..
Mas komportable si Rivero kay Bautista.
Ngayon ay mas nagagawa ng basketball player ang kanyang mga diskarte na matagal niyang hindi nagagawa sa national basketball tournament.
Matapos ang pagninilay-nilay, ang isang Rivero ay para kay Leren Bautista lamang.
************
Samantala, patuloy pa rin ang pagpapatunay na ang namayapang rapper na si Francis Magalona ay may kaugnayan sa nag-aangkin sa kanyang kasintahan na si Abegail Rait, ang flight stewardess na nagbulgar na may nakaraan sila ng aktor at mang-aawit.
Ang isa sa mga batayan ay ang pagkakaroon nila ng anak, si Gail Francesca na ngayon ay labinlimang taong gulang na.
Rapper din si Gail at mahusay na singer.
Gayunman, may nagsasabi na kailangang patunayan na tunay na anak ni Francis M. si Gail.
Paano nga ba mapapatunayan na anak ni Francis si Gail samantalang may mga supling si Francis sa kanyang inilalantad na misis na si Pia Arroyo?
Gaano katotoong hindi kasal sa Pilipinas sina Francis M. at Pia?
Ayon sa Philippine Statistics Authority na ipinahatid sa entertainment editor na si Salve Asis, walang marriage certificate sina Francis at Pia.
Heto ay kahit na sabihin ng peryodisyang pampelikula na si Pilar Mateo na kasal sa Hong Kong noong 1995 sina Pia at Kiko.
So ano sina Maxene, Elmo, Frank at Saab, bastardos ba sila?
Ayon sa peryodistang pampelikula na si Art Tapalla, hindi tinatanggap sa Pilipinas ang kasal sa Hong Kong tulad nang hindi pagtanggap sa career sa showbiz nina Phillip Salvador at Vivialyn Dungca?
Masyadong masalimuot ang pag-iisang-dibdib nina Phillip Salvador at Vivialyn Dungca sa Hong Kong.
Ayon sa peryodistang pampelikulang si Art Tapalla, hindi tinatanggap sa Pilipinas ang kasal ng mga Filipino sa Hong Kong. Kaya ito rin nga ba ang mangyayari sa kasal nina Francis at Pia?