
Nang mabuo ang istorya ng “When I Met You In Tokyo” na sinulat ni Suzette Doctolero, ay sina Vilma Santos at Christoper de Leon agad ang choice ng mga baguhang producer ng JG Productions na sina Ma’am Weng at Sir Rajan at Ms. Redgie Magno na head ng production.
Kabado nga ang produ at si Ma’am Redgie kung tatanggapin ba ni Ate Vi ang project mstapos na mapa- oo si Boyet, lalo’t maliit lang sila na production at nag-uumpisa pa lang. Sinabihan sila ni Boyet na bakit ‘di nila subukan. Kaya nang makausap ni Ma’am Redgie si Ate Vi at pinakuwento sa kanya ang concept ng movie ay nagandahan ito at nag-yes raw agad si Ate Vi and the rest is history.
Nag-shoot sina Ate Vi at Boyet kasama ng ibang casts ng ilang weeks sa probinsya ng Tokyo, Japan. Ayon pa kay Ate Vi ay feel good movie itong reunion project nila ni Yetbo (tawag niya sa favorite leading man na si Christopher), kumbaga magaan at magiging masaya ang makakapanood nito.
Yes may kilig-kilig na mga eksena ang dalawang bida na itinuturing na Iconic Loveteam at may lovescene sila rito sa When I Met You In Tokyo.
Nang tanungin si Ate Vi sa well attended nilang mediacon just recently lang sa Seda Hotel, Vertis North, kung naghahangad ba siya ng award sa bagong film? Hindi na raw mahalaga sa kanya ang awards. Ang importante ay maibalik ang mga tao sa sinehan at kumita ang pelikula nila. At ang nakikitang solusyon ni Ate Vi at ng mga kasama sa industriya ay babaan ang presyo ng tiket sa sinehan. Nami-miss na rin daw ni Ate Vi ‘yung mga panahon na ang pila ng mga tao sa sinehan ay parang ahas na pa-ekis.
Well sa ganda ng pelikulang ito at lakas ng feedback sa social media ay isa ito sa papatok sa 2023 Metro Manila Film Festival, ngayong Dec.25.
Samantala kabilang sa casts sina Cassy Legaspi at Darren Espanto, Kakai Bautista, Gina Alajar, Lotlot de Leon, Lyn Cruz, Gabby Eigennmann, John Gabriel, Lyn Cruz at Jacky Woo at may cameo role dito si FDCP Chairman Tirso Cruz 111.
In fairness ang bongga-bongga ng presscon mula sa masasarap na food at nagpa-raffle pa ang producer at Ma’am Redgie at namigay naman ng GC ng Penshoppe si Cassy Legaspi.
**************
Label Head Ng ABS-CBN MUSIC Rox Santos Bigatin Ang Mga Guest Sa 15th Anniversary Concert

Sa mediacon ng gwapo at sikat na label head ng ABS-CBN MUSIC na si Rox Santos, na invite kami ng Publicity and Promo head na si Ja Pantilanan sa Academy of Rock. Sobrang ganda ng line-up ng guest artists na lahat ay mga nakatrabaho na ni Rox para sa kanyang 15th Anniversary Concert sa Music Museum this Nov. 10 at 8:00 PM.
Pangungunahan ito nina Vice Ganda at Erik Santos, kasama sina Alexa Ilacad, Agsunta, Anji Salvacion, Annrain, Bini, Bryan Chong, Drei Sugay, Jeremy G, Juris, Kakai Bautista, KD Estrada, Kice, Khimo, Klarisse, Kyla Estrella, Sheyrn Regis, Trishia Denise at ang na-meet namin sa nasabing presscon na si Cesca na bahagi ng Star Pop. May surprise pa na special guest sa anniversary concert ni Sir Rox na sa proper concert na lang daw malalaman.
Nang kumustahin ang sales ng tickets sa event niyang ito ay gumagalaw o bumebenta naman daw.
Aba, hindi rin matatawaran ang mga big achievements ni Rox bilang composer at music producer na to name a few ay nakagawa ng hits sa mga Star Music Artists na sina Jaya, Michael Pangilinan, Angeline Quinto etc.
Siya rin ang nasa likod ng malaking tagumpay ng “Amakabogera” ni Maymay Entrata na inspired raw sa KPOP na sing and dance.
In all fairness, malaki rin ang K o karapatan ni Rox na maging sikat na recording artist, kung kinarir niya ito. Yes, he has the looks and very appealing at tall pa at may boses rin. Pero kuntento na raw siya sa kanyang field.
Gusto pa lang pasalamatan ni Rox ang ABS-CBN Music Team na very supportive sa kanyang 15th Anniversary Concert, ABS-CBN MUSIC HEAD-ROXY LIQUIGAN, CREATIVE DIRECTOR-JONATHAN MANALO, PUBLICITY & PROMOTIONS HEAD AND HOST-JA PANTILANAN at SOCIAL MEDIA SPECIALIST NA SINA LEILA RIEGO at SIMONE DIMALIBOT.
Kasama rin sa gusto nitong pasalamatan ang MANILA AND GLOBAL ACADEMY OF ROCK SHAREHOLDERS AND PARTNERS, FOUNDER/PRESIDENT/CEO-Ms. PRISCILA TEO, CEO EQUINOX MANILA AND GLOBAL ACADEMY OF ROCK SHAREHOLDER BENEDICT MARIATEQUE, ENCHONG DEE, JR., GAN AND JOSHUA GARCIA at sa OPERATION MANAGER, Ms. CATHY VELASCO.
Available sa TICKETWORLD ang ticket sa Concert. Prices are VIP-P3,950, PATRON SIDE-P3,180 at P1700 naman para sa BALCONY.
Well for sure, tiyak na tatauhin ito.