CLAUDINE BARRETTO, INAABANGAN SA KANYANG PAGBABALIK

LAGING inaabangan sa showbiz ang katuparan ng mga pangakong pagbabalik ni Claudine Barretto sa harap ng kamera para umarte, katulad nu’ng panahon na nagrereyna siya sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Pinanghihinayangan siyempre ang talento ni Claudine, dahil bago siya noon nagpakasal kay Raymart Santiago at magkaroon ng anak ay kinilala na talaga siyang mahusay na aktres sa movie industry.

Mauunawaan naman ang sitwasyon ni Claudine, dahil kailangan niya noon na tutukan ang pamilya nila ni Raymart.

Pero ang ikinalungkot ng kanyang mga supporters ay habang nagkakaproblema sila noon ni Raymart hanggang sa magkahiwalay, ay naaapektuhan na rin ang movie career ng mahusay na aktres.

Maraming nakalampas at napakawalang mga proyekto si Claudine, pelikula man o teleserye. Sapantaha ng mga movie producers ay parang walang gana magtrabaho ang kapatid ni Gretchen Barretto.

Pero sa totoo lang, hindi iniiwan ni Claudine ang showbiz. Naand’yan lang talaga siya at lagi ring naghihintay at umaasam na manalikan ang pag-arte.

Si Claudine ay laging hinihintay ng showbiz. Kaya nga, sa dami ng proyektong nag-aabang sa kanyang availability ay una siyang mapapanood sa “Lovers & Liars” ng GMA-7.

Dahil nagpaparamdam talaga ang pagbabalik ni Claudine ay kasama rin siya sa pelikulang “Loyalista: The Untold Story Of Imelda Papin” ng Queenstar Film Production, directed by Gabby Ramos.

Kasama ring magiging bida si Claudine sa pelikulang “2gether Un4ever” at makakasama niya sina Piolo Pascual at Daniel Padilla.

–o(O)o—

CHRISTOPHER DE LEON, MAHIRAP PANTAYAN NG IBANG AKTOR

MAHIRAP pantayan ng ibang aktor ang propesyunalismo at pagmamahal ni Christopher de Leon sa kanyang pagiging aktor, na kanyang naging sekreto kung bakit hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa showbiz.

Ang unang armas talaga ni Christopher nang pasukin niya ang pag-aartista ay ang kanyang kahusayan at lalim sa pag-arte.

Isa siya sa pinakaimportanteng aktor ng showbiz, kaya naman maraming movie producers ang natutuwang bigyan siya ng project.

Magaling, marunong at importante para kay Christopher ang pakikisama sa business na ito. Kaya hindi siya nababakante sa paglabas sa pelikula man o sa telebisyon.

Magaling si Christopher magdala ng kasikatan. Noon daw kanyang kabataan ay naramdaman niyang parang yumabang din siya o nalasing ng tagumpay. Pero hindi iyon nahalata sa showbiz. Dahil ang nakikita ay ang kahusayan niya bilang aktor.

Nagpapatuloy ang pagiging busy ni Christopher sa kanyang career. Napapanood siya sa teleseryeng “Batang Quiapo” at kasama rin siya sa pelikulang “Moro” ng Center Stage Productions ni Direk Brillante Mendoza.

Happy rin si Christopher, dahil ang movie nila ni Vilma Santos na “When I Met You In Tokyo” ay kasama sa sampung pelikula na napili at ipapalabas sa December kaugnay ng idaraos na Metro Manila Film Festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights