KIM CHIU, MAHUSAY NA TALAGANG AKTRES

SOBRANG napapansin ang galing ng akting ni Kim Chiu sa teleseryeng “Linlang” ng Kapamilya Network. Kakaiba raw ang lalim ng atake ng pag-arte ng chinitang aktres, baka sumabay sa panahon ng pagkakalabuan at malungkot na break up nila ni Xian Lim.

Kung sa mga panahong ito ay may mga pinagdaraananan si Kim, hindi lang naman siya doon humuhugot ng kahusayan. Hindi pa man siya nag-aartista at maga-audition pa lang sa Pinoy Big Brother ay parang pasan na niya ang daigdig, dahil mababa talaga ang luha niya noon, umiiyak kapag iniinterbyu tungkol sa kanilang pamilya, lalo na tungkol sa kanyang Mommy.

Nasaktan man si Kim sa hiwalayan nila ni Xian, ay itinuturing na lang niya iyong malungkot na karanasan mula sa kanyang lovelife.

Naging mahusay at patuloy pang gumagaling na aktres si Kim, dahil produkto siya paghahasa noon ng ABS-CBN at Star Magic sa pamamagitan ng Acting Workshop na masusing ipinatutupad sa mga baguhan nilang artista, kaya maraming napasisikat na magagaling na aktor at aktres ang ABS-CBN.

Bilang tao ay sobrang matibay na si Kim sa mga kabiguang puwedeng magpalungkot sa kanya. Kung naging matibay na siya noon sa naging napakasakit na hiwalayan nila ni Gerald Anderson noon, ay mas lalo niyang kakayanin at mas matibay siya sa naging hiwalayan nila ni Xian ngayon.

PAO CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA, SALUDO KINA VILMA SANTOS AT NORA AUNOR

PORMAL nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) kay (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta na tumayong inducting officer sa Oath Taking at Induction na ginanap nitong Huwebes, Enero 25, sa Peng Lai Finest Chinese Cuisine restaurant sa Times St., Quezon City.

Nanguna sa Oath Taking ang bagong Pangulo ng PMPC na si Rodel Fernando kasama ang iba pang opisyal, na sinaksihan din ng mga miyembro ng PMPC.

Sa kabila ng pasasalamat ng PMPC kay Atty. Persida dahil sa lagi niyang paggabay at pagtulong sa nasabing press club ay nagpahayag din si Acosta ng kanyang pasasalamat. Wika niya: “Mahal kong mga kaibigan ang PMPC. Nagpapasaya sila sa movie industry. Sila ang taunang nagsasagawa ng Star Awards for Movies, Star Awards for Television at Star Awards for Music. Ang PMPC ay nagpapalaganap ng masasayang kakanapan sa showbiz.”

Sa interbyuhan ay naitanong kay Atty. Persida kung Noranian ba siya o Vilmanian?

“Pareho,” maagap niyang sagot. “Si Nora Aunor, napakagaling na singer. Ang ganda ng boses niya. Si Vilma Santos naman, aba… walang tatalo sa akting niya!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights