Mayor Honey Lacuna umapela ng panalangin para sa paggaling ni Pope Francis

HINILING ni Manila Mayor Honey Lacuna na taimtim na manalangin ang lahat  ng Manileño para sa  mabilis at tuluyang paggaling ni Pope Francis sa sakit na bronchitis.

Ito ang naging apela ni Lacuna bilang suporta sa panawagan na nauna ng ginawa ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Si Pope Francis ay dinala sa ospital noong Pebrero 14.

Iniulat ng Holy See Press Office na ang kundisyon ng  88-anyos na Santo Papa ay nagpapakita ng  “a complex picture” at nalaman sa isinagawang tests na siya ay may bilateral pneumonia na nangangailangan ng karagdagang gamutan. 

Patuloy na ini-eksamin at ginagamot sa  Agostino Gemelli Polyclinic ang Santo Papa. 

Sa mga naunang resulta ng  mga isinagawang tests ay nagpapakita na gumaganda na ang kundisyon ng Santo Papa. Ganun pa man ay sasailalim pa rin ito sa serye ng diagnostic tests upang matiyak na nakabalik na sa  normal ang kundisyon nito. 

 “In union with the whole Church, let us pray fervently for the healing of our Holy Father, Pope Francis,” apela ni Advincula.

“In response to this call, I would like to request our parishes and communities to organize community prayers for the intention of Pope Francis, like gathering our people for a Holy Hour for the Healing of the Sick, especially of the Pope.  Let us likewise offer our personal and family prayers for this intention. Let us unite ourselves in prayer in this trying time for the Church,” dagdag ni Advincula. (MARISA SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights