900-M halaga ng luxury cars  nasakote ng CIIS-MICP sa Taguig City

NAGKASA ng panibagong operasyon ang operatiba ng Customs Intelligence  and Investigation Service-Manila  International Container Port (CIIS- MICP) sa isang warehouse sa Taguig City, araw ng Miyerkules kung saan nakumpiska nila ang may P900 milyong  halaga ng  hinihinalang  smuggled  luxury cars.

Ayon kay  CIIS  Director Verne Enciso, natagpuan ang humigit kumulang na 44 na hinihinalang  smuggled luxury cars sa  bodega ng Auto Vault Speed  Shop na matatagpuan sa  Levi  Mariano  Avenue, Bgy. Ususan, Taguig  City.

Ito ang pangatlong raid na isinagawa ng  grupo  ng CIIS sa pamumuno ni chief Alvin Enciso matapos makumpirmang nagbebenta  ang auto shop ng  mga luxury vehicles. Nauna  ng nagsagawa ng sunod-sunod  na  operasyon ang operatiba ng Bureau of Customs sa mga  lungsod ng Paranaque, Pasay at Makati.

Matapos  maghain  ang CIIS – MICP ng  Letter of Authority (LOA) na pinamumunuan ni chief  Alvin Enciso ay  tumambad sa  grupo ang  ibat -ibang uri ng luxury cars na kinabibilangan ng  dalawang Ferrari 888, dalawang  Mercedes Benz C class at tig-iisang unit ng  Maclaren 720S,  Rolls Royce Cullinan, Maserati Levante, Lamborghini Huracan, BMW M3, Dodge Ram, Ferrari 488, Ford Everest, Ford Mustang, GMC  Yukon Denali, Honda Civic SIR, Honda S2000, BMW M2, , Land Rover  Range  Rover Autobiography, Lexus  LBX, Lexus LX 570, BMW 14, Mazda Miata,  Audi A1, Mercedes Benz  AMG SLK, Mercedes Benz G Wagon Brabus, Mercedes Benz G63, Mercedes Benz GLE 450, Mitsubishi Lancer, Porsche 911 Turbo, Porsche 997 Carrera, Porsche 993 Turbo, Porsche 911 Turbo , Porsche Cayenne, Porsche  Cayman, Porsche GT3, Porsche GT3 RS, Porsche GT3 Touring, Porsche  Turbo, Toyota Sequoia,Toyota Corolla  Cross, Toyota Land Cruiser Prado at Toyota Land Cruiser  VX,.R. 

Aalamin pa ang eksaktong modelo at iba pang kaukulang  detalye  ng mga luxury vehicles  sa isasagawang pinal na imbentaryo  ng mga  nakatalagang   Customs examiners sa harap  ng  mga tetestigong CIIS,  EES, Philippine Coast Guard (PCG) , barangay officials at ng may-ari ng warehouse.

Bibigyan ng 15 araw na palugit ang may-ari upang magsumite ng mga kaukulang papeles na magpapatunay  na nakakabayad sila ng tamang duties and taxes sa gobyerno.

Sasampahan ang may-ari ng kasong Violation of Sections  1400  at 1401 in relation to  Section 1113 of Republic Act 10863 o  ang Customs Modernization Tariff Act (CMTA) kapag di naipakita ang  mga  tamang dokumento.

Pinuri naman ni Bureau of Customs (BOC)  Commissioner  Bien Rubio ang  magkakasunod na operasyon na isinagawa  ng  CIIS-MCIP na pinamumunuan nina Director Verne Enciso at ni Chief Alvin Enciso.

“The BOC intelligence unit has always been on heigtened alert against  smuggling  operations that led to already billions worth of smuggled  luxury cars that these unscrupulous  individuals, organizations and underground businesses have carried to our shores,” ayon pa kay Rubio.

Patuloy na paiigtingin ng  Bureau of Customs ang kanilang operasyon upang malabanan  ang ibat-ibang uri ng smuggling activities sa bansa. (MARISA SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights