ABP PARTYLIST TOP 14 NA

Umangat  na sa  ikalabing-apat na pwesto ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist  batay sa isinagawang survey ng isang market research company  para sa 2025 Pre-Election Preferential Survey.

Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Tangere, nakakuha ng 1.68 percent ang ABP Partylist na nilahukan ng may 2,400 mobile-based repondents na may 196 porsyentong margin of error at 95 porsyentong confidence  level gamit ang Stratified Sampling Quote. Isinagawa ang survey  mula Pebrero 11-14 ng taong kasalukuyan.

Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist  na kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers at rescuers ay pinangungunahan  ni  first nominee Jose Antonio “Ka Pep’ Goitia” kasama sina  Lenin Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga.

“Tuloy ang laban para sa mas ligtas, mas handa at mas protektadong  Pilipinas,”  buong giting na sinabi ni Goitia habang ito ay taos-pusong  nagpapasalamat sa suporta at tiwala  na ibinibigay ng taumbayan sa kanilang grupo upang  makapaglingkod  sa mamamayang Pilipino hindi lamang sa oras na may sunog maging sa mga oras  sumusuong sa matititnding kalamidad ang Pilipinas.

Ayon pa  kay Goitia, prayoridad ng ABP partylist  na mabigyan ng Boses sa Kongreso ang  mga bumbero, fire rescuers at voluteers na handang  isakripisyo at isuong ang kanilang buhay upang makapagligtas ng tao at ng kanilang ari-arian sa panahon ng sunog.

Idinagdag pa ni Goitia na hindi lamang sa panahon ng sunog maasahan ang  kanilang grupo kundi maging sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan na lubos na  naapektuhan ng ibat- ibang kalamidad na mabigyan ang mga ito ng pinansyal at at medical assistance sa abot ng kanilang makakaya.

Ninanais din ng ABP partylist  na magkaroon ang mga bumbero ng maraming benepisyo, insurance at medical assistance sa mga  panahon na naaksidente sila  pagresponde na maapula ang sunog, maging ang pagbibigay sa  mga ito ng dagdag na  kaalaman at kasanayan para sa mas epektibong  emergency response. Makakatanggap naman ng livelihoood program assistance  ang  myembro ng kanilang  pamilya.

Layunin din ng ABP na mabigyan ng sapat na kaalaman at training  ang bawat barangay upang mas higit na  maging handa sa panahon ng sunog at iba pang kalamidad.

Hangarin din ng grupo na makapagbigay ng  mga fire trucks at emergency services  upang matiyak na may sapat na transportasyon sa  pag responde lalo na sa mga liblib na lugar.

Ang ABP partylist ay isa sa 155 partylist organization na  nagnanais magrepresenta sa marginalized sector ng lipunan sa Mababang Kapulungan sa darating na elekyon sa Mayo  2025. (BONG SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights