Nakakatawa naman ang drama nitong si Alden Richards, na biglang nagbigay ng bouquet of flowers at branded bag na Louis Vuitton kay Kathryn Bernardo sa tuloy-tuloy na okasyon ng 28th birthday ng actress sa isang bar.
Okay naman sana magregalo si Alden at kaarawan nga ni Kathryn na naging leading-leady niya noon sa super blockbuster nilang movie na “Hello Love Goodbye.” Pero yung nagbigay ang actor ng black ring na identical ring daw nila ni Kathryn ay over acting na at masyadong hard sell. Lalo’t kumpirmadong tuloy na ang sequel movie ng dalawa na nakatakdang i-shoot sa Canada at ididirek uli ni Cathy Garcia. Isasali raw ito sa MMFF this year.
Kaya doon sa mga nag-iilusyon na sina Kathryn at Alden na ay huwag niyong ituloy dahil kaibigan lang ang turing ni Kath dito kay Alden. Kumbaga utos lang ito ng Star Cinema para palabasing may “something” na ang kanilang mga bida.
O di ba, obyus na obyus naman na gimik lang yung pagbibigay ng bulaklak, regalo at black ring ni Alden kay Kathryn at kinukunan siya ng video sa mga eksena niya doon sa Bar.
Saka sabi, si Jericho Rosales daw ang nagpapatibok ng puso ngayon ni Kath at dalagita pa lang siya ay very vocal ito sa pagsabing ultimate crush niya si Echo.
As we heard ay inuumpisahan ng suyuin ni Jericho ang pamilya ni Kathryn especially ang mother nito na si Mommy Min Bernardo.
Well, let’s wait and see kung si Jericho na nga ba ang magiging kapalit ni Daniel Padilla sa puso ni Kathryn?
Bonggabels Lovely Zendy Chavez, Patuloy Ang Pagtulong Sa Daan-Daang Mahihirap Na Kababayan Sa Pinas
Kaya pinagpapala ng Diyos, lalo na sa kanyang health si Bonggabels at “Queen of Hearts In America” na si Lovely Zendy Chavez ay patuloy ang paggawa nito ng charity works lalo na sa daan-daang kababayan natin dito sa Pinas.
Yes, kahit matagal ng naka-based sa Jacksonville Florida, USA kasama ng kanyang pamilya ay hindi kinalimutan kailanman ni Lovely Zendy ang Pinas.
Kaya nang makilala siya sa kanyang pagiging Philanthropist sa social media at dumami ang mababait at supportive niyang donors and sponsors, ay mas lalo pang maraming natulungan ang said social media personality.
Sa katunayan ay maliban sa over 300 balikbayan boxes para sa iba’t-ibang parte ng bansa na naipadala ni Ma’am Lovely thru LBC, ngayon ay ilang balikbayan box na punong-punong ng grocery items ang kanyang handog sa masuswerte nating kababayan.
Patapos na rin ang handog nitong libreng pabahay kay Manong probinsya at isusunod na niya ang pagbili ng mga gamit sa bahay tulad ng special doors and windows para sa bahay ng tinutulungang si Manong.
Yes ganyan kabait at kabusilak ang puso ni Bonggabels Lovely Zendy sa mga mahihirap, kaya ang tingin sa kanya ay hulog siya ng langit.
Kita niyo naman dahil sa pagiging totoong Pilantropo nito ay ilang beses nang pinagmilagruhan ni Poong Nazareno (deboto siya ng Poon) si Ma’am Lovely na dapat ay sasailalim sa surgery sa kanyang likod at balakang. Pero pinagaling siya ng Diyos kaya hindi na nito kailangan ng surgery.
Kaya naman kahit nasa US na siya (Lovely) ay tuloy ang panata niya sa ating mahal na Poong Nazareno lalo na noong Holy week.
“Naniniwala ako basta mabuti ka sa kapwa! God will protect us. As always kabutihan is the Winner!”
This July 27, 2024 pala ay may charity project si Lovely Zendy para sa ABS-CBN BANTAY BATA INTERNATIONAL USA, para sa Fiesta Mo Sa USA.