Pagdinig ng Impeachment Court sa Reklamo Laban Kay VP Duterte, Pagkatapos na ng SONA Sisimulan – Escudero

TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na pagkatapos na ng ikat-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sisimulan ng impeachment court ang pagdinig sa reklamong inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Dahil dito, mismo ang mga senador na hindi pa tapos ang termino kabilang na si Escudero at ang mahahalal na bagong 12 senador na ang uupo sa impeachment court bilang mga Hurado.

Aminado si Escudero na hindi madali ang pagbuo ng rules na susundin at magiging batayan ng impeachment court sa pagsasagawa ng paglilitis katulad ng pagpapalabas ng mga summons at pagsasagawa ng pre-trial briefing at iba pang prosesong sasaklaw sa paglilitis.

Sinabi ni Escudero na matapos ang SONA ng Pangulo ay agaran ding kinabukasan na kanilang pasisimulan sa impeachment court ang pagdinig.

Muling nanindigan si Escudero na hindi niya kailangang humiling sa Pangulo ng special session para lamang mapagbigyan ang gusto ng ilan na tumayo ang senado bilag impeachment court.

Sa Hunyo 2 ay muling magbabalik ang dalawang kapulungan ng kongreso para sa kanilang sesyon matapos ang break kaugnay ng darating na National at Local elections ngayong Mayo. Tiniyak naman ni Escudero na sa pagbabalik ng sesyon ay malaki na ang posibilidad na kanilang matalakay ang isinumiteng verified complaint ng mababang kapulungan ng kongreso laban kay Duterte. Ngunit ang tiyak aniyang hindi mangyayari ay ang pagsisimula ng pagdinig ng impeachment court dahil sa kakulangan ng oras at panahon na matalakay ito sa sesyon lalo na’t anim na araw lamang ang kanilang magiging sesyon para sa panibagong recess, ang pagbabalik ng ika-apat na SONA ng Pangulo, na kung saan ay may mga bagong nahalal na mga mambabatas at senador.

Sa pagitan ng session break ng senado hanggang sa mag SONA ang Pangulo ay magpapalabas naman ng mga summons sa mga akusado at prosecution. At matapos ito ay magsasagawa ng pre-trial na kung saan ay pagsusumitihin ng mga nakahandang judicial affidavits. (Nino Aclan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights