MIFF 2024 PALPAK SA HINDI PAG-NOMINATE KAY CHRISTOPHER DE LEON

Sa kaniyang latest  post sa FB,  ay kinwestiyon at hinihingan ng paliwanag ni Ma’am Redgie Acuna Magno, ang mga tumayong hurado sa recent Manila International Film Festival Awards Night, kung bakit hindi man lang nakasama sa nominations ng Best Actor category ang lead actor nila sa “When I Met You In Tokyo” na si Christopher De Leon. 

Malaki ang involvement ni Ma’am Redgie sa pelikulang ito nina Vilma Santos at Boyet de Leon dahil siya ang tumayong Supervising Producer, na tulad nina Ate Vi at Boyet ay super sipag mag-promote ng WIMYIT. 

Yes, marami ang mga sumang-ayon kay Ma’am Redgie, kabilang ang inyong lingkod na mali talaga ang hurado ng MIFF sa kanilang ginawang pang-iisnab kay Christoper de Leon, na isang iconic actor at “King of Philippine Drama.” Labis na pang-iinsulto, pambabastos at kawalan ng respeto ang ginawa nilang ito kay De Leon. Ayos naman kung hindi nila ito choice na manalo pero yung hindi nila ito inominate ay matatawag na kapalpakan kasi parehong mahusay at superb ang performance nina Ate Vi at Boyet sa kanilang MMFF 2023 movie, kung saan 2 times ngang itinanghal na Best Actress si Ate Vi dito sa Pinas at Hollywood. 

Saka hindi ba aware ang judges ng MIFF.sa listahan ng awards ni Christoper. 

Ipaalala natin sa kanila at baka magulo ang kanilang mga utak. 

De Leon has won seven FAMAS Awards, including five Best Actor wins for his movies: Tinimbang Ka Ngunit Kulang(1974) at Tatlong Taong Walang Diyos (1975) at iba pa. Also 4 Film Academy of the Philippines o LUNA Awards, 2 Gawad Urian Awards and an MMFF Hall of Fame Plaque. 

Speaking of When I Met You In Tokyo, number one top grosser movie ito sa Manila International Film Festival sa Los Angeles California. At may international screening na rin ito sa Italy, na showing sa The Space Moderno Cinema sa Rome sa February 11, 2024 at 12:00 p.m at sa Milan sa Feb. 18, 2024 sa Citylife Anteo, Screening 1 is 10:00 a.m at Screening 2 is 12:00 p.m. 

We heard na marami pa ang inquires na ipalabas ito sa kanilang bansa. 

Malayo na ang narating ng When I Met You In Tokyo na produced ng JG Productions ng mga baguhang producer na sina Ma’am Weng Jamaji at Mr Rajan Gidwani.

JULES GRAESER KILALANG SINGER AT HOST SA LA, GUEST SA ROCKS CONCERT NI REGINE VELASQUEZ

Level-up na talaga ang singing and recording career ni Jules Graeser dahil this time ay kasama naman siya sa Valentine Concert ni Regine Velasquez titled:  “REGINE ROCKS” this February 13, 2024, 8:00 p.m sa Saban Theatre sa Beverly Hills, California. 

Sobrang happy si Jules na mapabilang sa concert ng ating Asia’s Songbird na si Regine. Imagine sa rami ng mga artist ay isa siya sa napili para maging part ng malaking konsiyerto na ito na produced ng ENTENG THE DRAGON PRODUCTIONS at ng STERLING VENUE VENTURES. 

Although naka-work na niya ang ilan sa mga big local artist natin like Concert King Martin Nievera, Jay-R, ay big honor talaga for Jules ang makasama si Regine sa Valentine Concert na ito na sold out na ang tickets. 

Well sanay na si Jules na mag-perform sa malalaking venue lalo’t hindi lang siya singer kundi host ng sarili niyang Talk show na “Chatterbox” na nasa Season 2 na at parte rin siya ng lumalawak at lumalaking CHIME TV kung saan may show rito na nag-iinterview ng mga guest mula sa larangan ng business etc. 

Natutuwa rin si Jules sa magandang feedback hindi lang sa LA kundi maging sa Pinas ng first release single niyang, “MAARI BANG IBIGIN KA?” na written and composed by iconic composer Vehnee Saturno. 

Malakas ang dating ng OPM love song niyang ito, na very catchy ang lyrics. Saka malaking factor yung kilala si Jules sa Los Angeles, California at napatunayan namin ito sa message na aming natatanggap na idol raw nila si Jules at pinapanood nila ang show nito sa CHIME TV at ang sariling Talk show nito na  CHATTERBOX. 

Available na sa Spotify, Apple Music, iTunes, Youtube and other Digital Music Platforms ang Maari Bang Ibigin Ka ni Jules Graeser. 

Nakaka-proud ang nasabing International Recording Artist.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights