Kung umaapaw ang naging suporta noon ng BARDA LOVETEAM nina Barbie Forteza at David Licauco sa “Maria Clara At Ibarra”, dito sa pinagbibidahang “Maging Sino Ka Man” na nagsimulang umere last Monday, Sept 11 sa GMA 7, tinalo sila agad ng katapat na Batang Quiapo ni Coco Martin ng halos 4 percent sa NUTAM AGB PHILIPPINES RATINGS.
Well, para sa aming sariling opinyon ay maganda naman ang storyline at pagkakagawa ng Maging Sino Ka Man ng BarDa. Pero mukhang hindi bagay sa maaksyong mga eksena si David.
Imagine from a hunky drama actor ay bigla siyang ginawang action star dito sa teleserye nila ni Barbie. Hindi bagay sa action si David, malamya ang dating niya sa mga stunts and routines. Tapos itong si Barbie girl and boyish naman ang role.
Sayang naman ang effort ng Kapuso network, ang i-build up sila kung patuloy ang pagbagsak ng kanilang ratings.
Sana makabawi naman sila sa rating this week.
Saka nasaan na yung mga fans, na suporta sa BarDa Loveteam? Hello, manood naman kayo ng Maging Sino Ka Man.
***************
Actress-Dancer Ysabella Orandain, Sunod-Sunod Ang Bonggang Projects Ngayong 2023
After ng very successful dance concert ni Ysabella Orandain with her co-students sa GForce sa The Theatre, Solaire Hotel, kung saan nakasama ni Ysabella, ang head ng GForce na si Teacher Georcelle and her kids na sina Teacher Jaja at Teacher BJ plus other guests na sikat na tiktoker at media influencer na si Niana Guerrero and her little sister Natalia Guerrero, last Aug 27 ay naging matagumpay rin ang idinaos na red carpet premiere night ng pelikulang MENSAHE (THE UNFORGETTABLE MESSAGE) sa Cinema 2 ng Market Place sa Mandaluyong City.
Bahagi ng cast si Ysabella na may importanteng role sa educational-drama film na ito na produced ng MStudio nina Direk Mark Agcaoili at DJ ALVIN FILM PRODUCTIONS, PURE GARBAGE at FILM EXPOSURE nina DJ Alvin.
Si Mark Agcaoili ang direktor ng Mensahe at si Joseph Lim Navarrete, ang sumulat ng makabuluhang pelikula. (CHIKANG LOKAL ni Peter Ledesma)