Kahit pasado na sa Mababang Kapulungan ang Eddie Garcia Bill na nagsusulong sa kapakanan at kagalingan ng mga artista at iba’t ibang manggagawa ng pelikulang Pilipino at telebisyon, hindi pa ito aprubado sa Senado o sa Mataas na Kapulungan.
Kaya masigasig ang mga bituin sa Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) o ng Actors Guild of the Philippines.
Nagkukumahog kundi man nagmamadali at na namamag-asa ang mga taga-showbiz na makapasa na sa Senate ang batas para aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maging batas.
Kaya kahit na indibidwal ay nangangampanya si Niño Muhlach o si Imelda Papin para maokeyahan na ito sa Senado.
Hindi naman nagpapahuli kundi man nagpapatumpik-tumpik ang mga naghaharing-uri sa industriya ng pelikula at telebisyon na makahatak ang kanilang grupo na malagdaan na ito ng mga senador.
Kaya nang dahil sa mga inisiyatibo ng mga indibidwal na bituin ay nakakaungos sila sa mas pagpapapabor sa pagpapasa ng batas.
Idagdag pa ang pagkilos ng mga beterano at nasa Kongresong mga taga-showbiz.
Alyansa kada alyansa ang nangingibabaw sa mga kilusan ng pagpapatibay sa Eddie Garcia Bill sa Senado.
Aktibo si Phillip Salvador sa pagsuporta sa bill na ito.
Hindi man siya pulitiko o nabigong pulitiko o kandidato dahil hindi manalo-nalo sa mga eleksyon na kanyang sinasalihan o tinatakbuhan, may puwersa o barkada naman niya sina Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada at siya ay pampadagdag sa kapangyarihan ng poder ng mga ito.
Kaya presente siya sa konsultasyon sa mga taga-pelikula at telebisyon para maisulong ang Eddie Garcia Bill.
***
Ang Eddie Garcia Bill ay pagkakaroon ng ngipin para magkaroon ng katuparan na may hangganan sa oras ang trabaho hindi lang ng mga artista kundi kahit na ang maliliit na manggagawa sa TV at sinema o para itaas din ang sahod ng mga ito.
Marami na rin ang apektado sa lagpas sa tamang oras na pagsu-shooting o taping.
May mga TV drama, lalo na, umaabot ng apatnapu’t walong oras na pag-akting o paggiling ng kamera na kaugnay rin ang mga cameraman, soundmen, lightmen, propsmen, utility etc.
Kaya apektado ang kalusugan ng mga bituin, creatives tulad ng direktor at mga trabahador o obrero dahil sa puyat at tensyon kaya banta sa buhay ng mga alagad ng sining na mga tao rin na may mortal na katawan
***
Sa konsultasyon ay nasa mesa ng diskusyon sina Senador Jinggoy Estrada, Robin Padilla at Revilla kasama at kabagang at kaalyansa ang mga tulad nina Cesar Montano at Aga Muhlach.
Nandoon din si Tirso Cruz III na kapuna-punang hindi nakigrupo o nakiumpok kina Jinggoy, Robin, Cesar, Bong, Phillip at Aga samantalang siya ay public servant din bilang Tagapangulo ng Film Drvelopment Council of the Philippines (FDCP).
Hindi rin nakiumpok sa kanila si Rhene Imperial na makaki ring pangalan sa showbiz.
Samantala, nakikiramay sila sa pagyao ng peryodistang pampelikulabg si Sandy Es Mariano at nakikigalak sa Spanish Film Festival na gaganapin sa Red Carpet Cinema ng Shangri-La Plaza mula ika-5 hanggang ika-15 ng Oktubre, 2023. (IMAGES by Boy Villasanta)