SENADO IPINAALAM NA KAY SPEAKER DY NA TATAYO SILANG IMPEACHMENT COURT

TINIYAK ni Senate President Alan Peter Cayetano sa mababang kapulungan ng kongreso na magco-convene at handa na ang senado na tumayo bilang impeachment court.

Sa liham na pinadala ni Cayetano kay House Speaker Bojie Dy,  ipinababatid nito na natanggap na ng senado ang Article of Impeachment na buhat sa kanila.

Siniguro pa ni Cayetano na hindi nila tutulugan ang naturang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

Nakapaloob din sa liham ng solon, na sa lunes ay isasama na nila sa Agenda ang pagtalakay sa article of impeachment.

Pagtitibayin din ng senado sa Lunes ang rules na kanilang ipatutupad at kanila na lamang ia-adopt ang dating rules. At kung walang tututol sa rules na kanilang pagtitibayin ay agad silang magco-convene bilang impeachment court at bilang pinuno ng korte ay siya ang mangungunang manunumpa at susundan ng 23 senador.

Ipinagmalaki din ni Cayetano na batay sa kanilang napag-usapan ng miyembro ng mayorya, walang sinuman sa kanila ang tututol para ipagpatuloy ng senado ang pagdinig sa impeachment court.

Bibigyan din ng pagkakataon ang bawat panig batay sa nilalaman ng rules katulad ng paghahain ng sagot at mosyon,  pangalan ng mga testigong ipiprisinta bago tuluyang simulan ang paglilitis.

Ipinunto pa ni Cayetano na pag-aaralan na lamang nila ang magiging schedule ng paglilitis kung kailan at anong oras lalo na’t kailangan nilang isaalang-alang ang mga Committee hearings at kanilang legislative work na sesyon.

Sa lunes ay pagbobotohan din nila ang mga mamumuno sa mga komite batay na din sa kanilang mga napagkasunduan.

Subalit tiniyak ni Cayetano na handa siyang harapin at sagutin ang anumang posibleng pagharang para tumayong impeachment court ang senado.  (Nino Aclan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights