SA PAGSISIMULA NG CAMPAIGN PERIOD, ABP PARTYLIST NAGSAGAWA NG MOTORCADE RALLY

Nagsagawa ng isang makasaysayang kick-off motorcade rally ang isang grupo ng party-list na kumakatawan sa mga fire at rescue volunteers sa buong Pilipinas kaninang umaga, na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila.

Ito ay bilang hudyat sa pagsisimula ng campaign period para sa darating na halalan ngayong Mayo 2025.

Mahigit na 200 sasakyan ng mga fire and rescue volunteers ang nakilahok kabilang ang nasa 3,000  supporters mula sa ibat-ibang organisasyon na nagpakita ng suporta sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP), No. 134 sa balota .

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist ay pinangungunahan ni first nominee Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kasama ang iba pang nominado na sina Lenin Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl  Gene  Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga.

Ayon kay Ka Pep Goitia, maghahain sila ng resolusyon para sa kapakanan ng mga fire volunteers and rescuers na katuwang sa  mabilis na pagtugon sa mga sunog,  sakuna at kalamidad  sa bawat komunidad sa ibat-ibang  sulok ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Ka Pep Goitia  na magsusulong sila ng batas para magkaroon ng benepisyo ang lahat ng firefighters, fire and rescue volunteers at iba pang volunteers.

Layunin din ng kanilang grupo ang pagpapaulad ng kakayahan  ng bawat Pilipino at magkaroon ng sapat na kaalaman  sa pagtugon at paghahanda sa lahat ng kalamidad na darating sa ating bansa.

Ang campaign period  para sa mga tumatakbo sa  national position ay  tatagal ng 90  araw na umpisa simula ngayong Pebrero 11 at magtatapos sa Mayo 10 alinsunod sa batas na ipinanukala ng Commission on Election (Comelec).

Sa opisyal na listahan ng Comelec, nasa 155 na partylist group ang magtatangkang maglaban- laban  para makakuha ng  posisyon sa 63 bakanteng pwesto para sa Kongreso. (MARISA SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights