MATAGUMPAY na naipasa ng Port of Batangas (POB) ang Internal Quality Audit (IQA) na isinagawa ng Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO) noong Marso 5-6, 2025.
Pinangunahan ni Joseph G. Escasio, Lead Auditor, ang nasabing audit kasama ang mga co-auditors na sina Atty. Angelic A. Diaz, Atty. Jielene Kelly E. Espera, Gng. Michelle N. Tablazon, at Gng. Margaret G. Manalaysay.


Ang IQA ay isang mahalagang hakbang sa paghahanda ng pantalan para sa nalalapit na Surveillance Audit kaugnay ng ika-apat nitong ISO 9001:2015 QMS recertification na itinakda sa Abril 28, 2025.


Sa pangunguna ni District Collector Atty. Noah M. Dimaporo, MNSA, PhD, nananatiling matatag ang Port of Batangas sa pangako nitong pagpapanatili ng isang epektibong quality management system.
Ang dedikasyong ito ay nakaayon sa 5-point priority program ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio upang matiyak na patuloy na pinagbubuti ng pantalan ang mga serbisyo nito at naipapatupad ang mga pandaigdigang pamantayan sa kalidad at kahusayan. (Dexter Gatoc)