PhilHealth nagdagdag ng benepisyo para sa neonatal sepsis, bronchial asthma

IPINATUTUPAD na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang isa pang round of enhancements sa dalawa sa mga umiiral na benefit packages nito para sa neonatal sepsis at bronchial asthma, kung saan nadagdagan ng higit sa 100 porsiyento.

 

Ayon sa PhilHealth circulars 2024-0008 at 0009, ipinababatid sa lahat ng pasyenteng naadmit noong Mayo 1, 2024 pataas na maaaring mag avail ng dagdag na benepisyo sa mga accredited health facilities.

 

“The PhilHealth Board has approved the increase in package rate for neonatal sepsis to P25,793 from P11,700 and bronchial asthma in acute exacerbation to P22,488 from P9,000. The increase translates to 120 percent and 150 percent, respectively,” sabi ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr.

Kabilang sa mga nangungunang sanhi ng neonatal deaths sa Pilipinas ang neonatal sepsis at iba pang nakakahawang kondisyon.

 

Noong 2023, nagbayad ang PhilHealth ng P733.86 milyon para sa mahigit 57,000 kaso para sa nasabing kondisyon.

Sa kabilang banda, nananatiling isang mataas na pasanin ang hika na karamdaman sa Pilipinas sa kabila ng mga pagsulong ng medisina, dahil sa walang sapat na kontrol sa kanilang mga kondisyon, na nagreresulta sa pagka-confine sa ospital..

 

Batay sa datos ng PhilHealth para sa 2023, nasa ikawalo ang hika sa mga nangungunang medical confinement na binayaran ng state insurer kung saan P717 milyon ang nabayaran para sa mahigit 90,000 kaso ng hika.

Kaya naman ipinapaalala ng PhilHealth sa mga miyembro nito na  maaaring ma-avail ang adjusted case rates sa Levels 1 hanggang 3 sa accredited public at private health facilities sa buong bansa. (LB)

 

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights