MALUGOD na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines Deputy Chief LtGen Charlton Sean Gaerlan ang mga celebrity reservist na sina Major Jose Sixto “Dingdong” Dantes at CM02 Kristine Soguilon-Lim (Philippine Navy Goodwill Ambassador for Culture and Arts) sa kanilang courtesy visit noong Marso 15 sa AFP General Headquarters.

Sa kanilang pagbisita, ibinigay din ni Philippine Navy at CMO2 Soguilon – Lim ang dalawang art pieces mula sa kanyang Bridging Horizons project na naglalayong isulong ang diplomasya at civil-military operations sa pamamagitan ng cultural at artistic exchange reserve force upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa Philippine Navy, sa kanilang trabaho na pagbibigay kapangyarihan sa iba pang mga reservist na gamitin ang kanilang mga talento at magkaroon ng mas malaking papel sa pagbuo ng bansa at kapayapaan.
Gayundin sa pagbibigay ng halimbawa kung paano ka makakapag-ambag sa misyon ng AFP at nagbibigay-inspirasyon sa mga Pilipino na magkaisa para sa isang layunin at makamit ang pangmatagalang kapayapaan.
“The AFP is really supportive of your endeavors,” sabi ni LtGen Gaerlan. (BONG SON)