BILANG pasasalamat at pagkilala sa kanyang marangal na kontribusyon sa pamamagitan ng buong pusong pagsuporta sa mga Katutubong Pamayanan/ICC, inampon ng Tribu Blaan si Kristine Soguilon-Lim bilang kanilang prinsesa at bininyagan bilang BAI MEBE KASBAKAS (Princess Leading Unity). Ganitorin ang ginawa ng Tribong Manuvu at pinangalanang BAE PINADAJAG (Princess Most Respected amd Most Loved).

Ang mga naturang titulo ay ipinagkaloob ng Tribal Council of Elders kay Kristine na tinaguriang Missionary Visual Artist.
Ito na raw ang pinakahuli at pinaka espesyal sa kanyang puso na titulong kanyang natanggap.

Layon ani Kristine na protektahan, pangalagaan at magbigay ng empowerment para sa kapakanan at pagpapaunlad ng pamayanan ng IP. (BONG SON)