Nakatakdang magsagawa ng isang medical mission para sa 800 indibidwal na binubuo ng mga kababaihan, bata at matatanda ang Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Cancer Society (PCS), sa pakikipagtulungan ng Local Government Units at Metro Manila Mayora Spouses Foundation.

Ito ang isa sa ibinahagi sa ginanap na Health and Beauty Caravan 2024 ng Filipino Hairdressers’ Association o FILHAIR nitong Miyerkules, March 20 sa SM Megamall.

Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ni mader Ricky Reyes at PRC secretary general Gwen Pang, kasama sina SM SVP John John San Agustin, Mandaluyong vice mayor Menchie Abalos, Trina Biazon (wife of Muntinlupa mayor Ruffy Biazon), Tiffany Gatchalian (wife of Valenzuela mayor Rex Gatchalian) at Aubrey Malapitan (wife of Caloocan mayor Along Malapitan).
Inihayag din sa nasabing aktibidad ang pagsisimula ng “Health and Beauty Caravan 2024” mula Abril hanggang Hunyo 26, 2024. (BONG SON)