‘BANTAY-BAHAY’ NI PEPE HERRERA IPALALABAS SA 143 CINEMAS NATIONWIDE, DIREK JOEY REYES SALUDO SA KOMEDYANTE

Masaya si Pepe Herrera at yung mga projects na ginagawa niya ay nagugustuhan ng publiko.

After Rewind na no.1 top grosser sa MMFF 2023 ay may bagong movie na naman si Pepe sa Regal Entertainment, Inc, ang “BANTAY-BAHAY” na dinirek ni FDCP Chairperson Direk Joey Reyes.

Sa Mediacon ng kanyang horror movie na may touch of comedy (kaya’t matatakot at matatawa ang moviegoers), masayang ipinahayag ni Pepe na hanga siya sa paraan ng pagdi-direk ni Direk Joey at ang best system nito sa set na kapag nag-umpisa ang shooting nila ng 10 AM ay packed up na sila ng 10 PM. Minsan ay mas maaga pa raw sila natatapos.

Solong bida si Pepe sa BANTAY-BAHAY, na gumaganap bilang Caleb Herrera rito, na kilalang vlogger at podcaster na nalambingan ng kanyang girfriend na bantayan ang mansion ng Lola nito. Akala mo ay normal lang yung pagbabantay ni Caleb na yun sa ancestral house sa Sariaya Quezon yun pala ay mababalutan ito ng kababalaghan dahil may dark secret yung mansion. At mata-trapped dito si Caleb kasama ng masamang elemento na kumukuha ng kaluluwa at buhay na tao. Habang nasa loob ay panay ang blog at update ni Caleb sa kanyang mga viewers, nagkukwento ito sa nangyayari  sa kanila na nakikipagsagupa nga siya sa ubod ng lakas na elemento.

Ka-join din sa cast ng Bantay-Bahay sina Casie Banks, Johannes Rissier, Melizza Jimenez, Karl Gabriel at Rolando Inocencio na support kay Pepe Herrera.

Abangan kung makukuha ba ng kakaibang elemento si Pepe at mga kaluluwa o makakatakas ba sila sa bahay? Grabe ang suspense no, kaya watch ka na, at showing ito sa 143 Cinemas Nationwide.

ROSANNA ROCES PROFESSIONALISM ANG PINAIIRAL SA KANYANG CAREER AT GUSTO LAGING MAY TRABAHO

Kasama ni Rosanna Roces sa kanyang bagong TV project na “Pamilya Sagrado” si Piolo Pascual at ang sikat na actor ang pangunahing bida sa serye.

Nasa Baguio ngayon si Osang kasama ang mga bigating co-stars at pangalawang akyat na nila ito ng Baguio para sa kanilang taping dito.

Sa Vlog pala ni Aiko Melendez, na co-star din ni Rosanna sa Pamilya Sagrado ay nag-guest ang huli at sinabing sa tagal na niya sa showbiz ay ayaw niyang nali-late pagdating sa trabaho.

Yes propesyonalismo ang laging pinaiiral ni Osang sa kanyang career. Saka gusto raw niya ay lagi siyang may trabaho.

At hindi naman siya pinababayaan ni Lord, dahil kapag wala siyang taping ay may tumatawag naman sa kanya para sa raket.

Nasabi rin niya na ayaw niya sa taong mayabang na walang narating. 

Tawang-tawa si Aiko kay Osang habang iniinterbiyu ang kaibigang actress na matagal niyang naging kapitbahay sa isang sosyal na village.

Isa pala si Osang sa tinitingalang aktres ni Aiko. At pinanood raw talaga nito ang dalawa sa quality classic films ni Osang na LIGAYA ANG ITAWAG MO SA AKIN at BABAE SA BINTANA. At happy ang actress-politician at magkasama sila ngayon ni Osang sa Pamilya Sagrado at big honor raw sa kaniya ang makaeksena ito sa kanilang teleserye sa Dreamscape Entertainment.

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights