DANIEL PADILLA, HINDI PA MAGHIHIRAP SA BUHAY

SUNOD-SUNOD ang naging pagbebenta ng mahahalagang mga ari-arian ni Daniel Padilla, kaya naman maraming intrigero’t intrigera sa showbiz ang nag-iisip na simula na iyon ng paghihirap sa buhay ng guwapong aktor.

Pero sa totoo lang, kung nagkaroon man ngayon ng lamlam sa movie career ni Daniel dahil sa malungkot na pagtatapos ng relasyon nila ni Kathryn Bernardo, ay hindi iyon nangangahulugan na maghihikahos na sa buhay ang kanilang pamilya. Bilang sikat na sikat na young actor, ay napakasipag ni Daniel sa kanyang career, hindi rin siya waldas sa pera, kaya talagang nakapag-ipon din siya.

Tama lang ang nangyayari ngayon, na medyo nagpapalamig si Daniel sa kanyang sitwasyon. Nasa bakuran pa rin siya ng Kapamilya Network. Marami pa rin siyang nakatakdang gawing mga pelikula sa Star Cinema, kaya walang dapat ipag-alaala ang kanyang mga tagahanga na baka matengga ang kanyang movie career.

Kailangan kasing tantiyahin muna ng mga nangangalaga sa career ni Daniel, na humupa na ang galit ng mga fans na nadismaya sa hiwalayan nila ni Kathryn. Dahil mas nakuha ng young actress ang simpatiya ng mga tao, habang si Daniel naman pinupukol ng mga panlalait, pambabastos at kung ano-ano pang masasakit na salita, lalo na sa social media.

JACLYN JOSE, NOON PA MAN AY BILIB NA KAY COCO MARTIN

NATUTUWA si Jaclyn Jose sa malayong narating na tagumpay ng movie career ni Coco Martin, na sa kabila ng lahat ay hindi maging maybang o nakalimot sa mga dating mga nakasama sa trabaho nu’ng baguhang artista pa lang ang Primetime King ng ABS-CBN.

Nagkasamang muli sina Jaclyn at Coco sa teleseryeng “Batang Quiapo” ng Kapamilya Network. Pero nu’ng bagets pa lang ang mahusay na aktor ay nagkasama sila sa pelikulang “Masahista” na markadong pelikula ni Coco sa showbiz.

Nanganib na iwan noon ni Coco ang showbiz. Si Jaclyn ang isa sa unang nagpayo sa aktor, na huwag iiwan ang showbiz. Na magtiis pa din si Coco, dahil napansin ni Jaclyn noon, na bilang baguhan sa showbiz ay hindi lang guwapo ang aktor na maamo ang mukha, kundi natural ang kahusayan nito sa pag-arte.

Nagsasalita noon si Jaclyn kay Coco, dahil siya man noon ay muntik-muntikan na ring iwan ang showbiz. Dumanas din siya ng hirap, at natatagalan bago masundan ang huling ginawang pelikula. Nanggaling din si Jaclyn sa hirap ng buhay noon sa Olongapo, at naranasan niyang magtinda ng kakaning bibingka.

Katulan ni Coco ngayon, narating din ni Jaclyn ang kanyang tagumpay sa showbiz. Bilang mahusay na aktres, ang galing niya ay sumusunod kina Nora Aunor, Vilma Santos, Hilda Koronel, Maricel Soriano at Gina Alajar na mga batikang aktes sa movie industry noon hanggang ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights