ISINUSULONG ng Council for the Welfare Children (CWC) ang pagpasa ng batas na nagtataguyod ng positibong pagiging magulang sa 2024.
Sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon noong Miyerkules, sinabi ni CWC Executive Director Undersecretary Angelo Tapales na isinusulong nila ang batas na nagtataguyod ng positibong pagiging magulang laban sa pagpapataw ng malupit na disiplina.
“Hindi naman bawal mamalo ano, bawal manakit ng mga bata in the name of discipline. Bawal na ang corporal punishment iyan po ang gusto natin,” pahayag ni Tapales.
Ipinaliwanag ni Tapales na maghihikayat at tutulong sa mga magulang ang nasabing batas kaugnay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na maging malayang matatanda nang hindi kinakailangang magpataw ng malupit na disiplina.
Nabanggit ni Tapales na sa taong ito, naobserbahan ng CWC ang dumaraming kaso ng teen pregnancy kung saan ipinahayag nila ang kanilang pag aalala sa isang batas na tutugon sa isyu.
Nanguna ang CWC sa pakikipaglaban para sa karapatan ng mga bata sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa.
Sa pangunguna naman ng Department of Interior and Local Government (DILG), inaatasan ang CWC na ipagkaloob ang Seal of Child Friendly Local Governance taun taon sa mga deserving LGUs sa pamamagitan ng Child Friendly Local Governance audit.
“We are also proud to report that in 2022, we had 110 percent increase in the number of LGUs conferred with Seal of Child-Friendly Local Governance, from 372 in 2021, it increased to 782 in 2022,” ani Tapales.
“So, we recognize that we have a long way to go, because there are 1,634, if I’m not mistaken, our LGUs. It’s a quantum leap – 110 percent increase which happened in 2022,” dagdag pa niya.
Noong Oktubre 21, 2023, muling inilunsad ng CWC ang Makabata Helpline sa landline na 1383.
Pumasok din ang CWC sa 23 memorandum of understanding (MOUs) para sa 2023 kabilang ang pakikipagtulungan sa Department of Justice, Department of Information and Communications Technology, Department of Labor and Employment, National Bureau of Investigation, Department of Social Work and Development, Philippine National Police at gayundin sa mga pribadong sektor tulad ng SM Cares, Philippine Long Distance and Telecommunications Company at Smart Communications.
Dagdag pa ni Tapales, pumasok ang CWC sa MOU kasama ang Philippine Broadcasting Service (PBS) para sa MAKABATA TELERADYO, ang kauna unahang programa nito sa radyo sa loob ng 49 na taon.
Nagsimulang umere ang MAKABATA TELERADYO sa Radyo Pilipinas 3 tuwing Sabado sa pagitan ng 10:00 a.m. at 11:00 a.m.
“Maganda pong mouthpiece po ito para sa mga kabataan po, talagang ito po ang magbi-ventilate ng kanilang mga hinaing po,” Tapales said. (LB)