PANUKALANG PAGDARAGDAG NG KORTE DAPAT HILINGIN NG TAGUIG  

DAPAT hilingin ng alkalde ng Taguig sa kanilang mga District Representatives sa Kongreso ang paghahain ng panukalang lilikha ng karagdagang korte.

Ito ang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay, bunsod ng pagdagsa ng mga kaso mula sa 10 EMBO barangays.

Nauna nang naglabas ng resolusyon ang Supreme Court (SC) na nagtatakda ng pitong Regional Trial Court at apat na Metropolitan Trial Court ng Makati bilang Assisting Courts para sa Taguig.

“Mayor Lani Cayetano should already get the ball rolling and urge Taguig lawmakers to file an urgent bill proposing the creation of additional courts that will absorb the additional case load resulting from the transfer of 10 EMBO barangays to Taguig,” ani Mayor Abby Binay.

Ipinaalala ng alkalde kay Cayetano na inilaan lamang bilang pansamantalang solusyon ang hakbang ng Korte Suprema upang makatulong sa paglipat ng hurisdiksyon ng hudikatura mula Makati patungong Taguig.

“Albeit temporary, the arrangement poses inconvenience to Taguig litigants and causes undue imposition on Makati and its taxpayers. We will be shouldering the costs of operations and bearing the impact of increased number of visitors on city hall’s operations,” dagdag pa ni Binay. 

“May pera naman ang Taguig at sabi nila handa sila na mag-take over. Pero bakit hindi sila gumagalaw?” giit ng alkalde.

Sinabi pa ni Binay na nais lang ng kabilang panig na lokal na pamahalaan ng Makati ang sumagot sa mga gastusin at gusto lang ng Taguig na kumuha ng mga property na hindi kanila pero ayaw ng anumang responsibilidad.

Binigyang diin din niya na pinasalamatan pa ni Senador Alan Peter Cayetano ang Korte Suprema sa “very judiciously” na pagkilos sa paglipat ng judicial jurisdiction sa Taguig epektibo noong January 1, 2024, sa pamamagitan ng isang Facebook live post noong Biyernes.

“The senator from Taguig seems to be oblivious to the adverse implications of not having enough courts in Taguig to handle the case load generated from the EMBO barangays,” saad ni Mayor Abby.

Nabanggit din ng alkalde na doble ang pasanin ng mga itinalagang assisting courts sa Makati dahil hindi lamang sila magdadala ng mas mabigat na case load, kundi pati na rin ang mas maraming papeles na utang sa bagong guidelines.

“As such, it is incumbent upon the Mayor of Taguig to see to it that their House Representatives, her husband and her sister-in-law in the Senate, will take urgent action by filing a bill creating additional courts and actively pushing for its enactment,” diin pa ng alkalde. 

Sa Resolution nito, itinalaga ng Korte Suprema ang pitong Regional Trial Courts ng Makati bilang assisting courts, na ang Branches 136 (Family Court), 144 (Family Court), 147 (Special Commercial Court, 63 (Drugs Court), 145, 65 (Drugs Court), at 134, habang ang apat na Metropolitan Trial Court na inatasang tumulong sa mga kaso sa Taguig ay ang Branches 61, 66, 128 at 129. (LB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights