HIGH GRADE KUSH SA MICP NASABAT NG GRUPO NI SPY CHIEF ALVIN ENCISO

NASABAT ng Bureau of Customs ang tinatayang Php76 milyong halaga ng high grade kush sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na humarang sa isang shipment mula sa Thailand. 

Nakatanggap ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng MICP sa ilalim ng pamumuno ni Intelligence Officer 3 Alvin Enciso, ng derogatoryong impormasyon na may kinalaman sa isang shipment na naglalaman umano ng ilegal na droga at may maling deklarasyon ng mga item.

BOC Photo

Kaya naman agad na naglabas ng alert order si MICP District Collector Romeo Rosales matapos ang natanggap na ukol sa nasabing shipment.

Ayon sa PDEA, sumailalim sa 100% na pisikal na pagsusuri noong Pebrero 27, 2024 ang nabanggit na shipment kung saan nagpakita ng humigit-kumulang 63,360 gramo ng tuyong marijuana o kush na may karaniwang presyo ng droga na PhP1,200.00 bawat gramo.

Samantala, kinikilala ani Commissioner Bienvenido Rubio ang pagiging masigasig at kasipagan ng MICP at CIIS.

 “Sa loob ng nakaraang taon, patuloy na ipinapakita ng BOC ang dedikasyon sa pagpigil sa pagpasok ng kontroladong substansya sa ating mga hangganan. Ang tagumpay ng operasyong ito ay nagpapadala ng malakas na mensahe na hindi tayo titigil sa ating laban upang protektahan ang bansa mula sa panganib ng ilegal na droga,” pahayag ni Comm. Rubio.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabat na mga item upang matukoy kung mayroon pa bang mga bawal na substansya at iba pang ipinagbabawal na mga item ang nakatago sa iba pang balikbayan boxes. (DEXTER GATOC)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights