2016 Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina 2 beses ikinasal; Nick Nangit balik-piano

Sa maniwala kayo’t sa hindi, dalawang beses ikinasal ang 2016 Binibining Pilipinas-Universe na si Maxine Medina.

Ito ang katotohanan at pawang katotohanan.

Naganap ang unang pakikipag-isang-dibdib ni Maxine noong ika-3 ng Oktubre, 2023.

Tunay na maringal at marangal ang kasal ng actress-beauty queen.

Kahit na siya ay may mga opisyo pa sa paggawa ng pelikula at telebisyon lalo na ang “Magandang Dilag” ng GMA Network, walang pakialam ang bituin bastat ang kanyang personal na buhay ang nakasalalay.

Kesehodang maglagare siya sa dalawang okasyon–isang personal at isang propesyunal–walang pakialam si Medina.

Unang lumakad sa harap ng altar ang beauty queen at aktres sa Immaculate Heart of Mary Church sa Antipolo City.

Isang eksklusibong pagtitipon ‘yon na dinaluhan ng malalapit na kaanak at kaibigan ng modelo at mutya ng kagandahan.

Dumalo ang mahiligin sa mga timpalak pangkagandahan na si Jonas Gaffud sa makasaysyang pakikipag-isang-dibdib ng kaibigang nanalo sa 2016 Binibining Pilipinas-Universe.

Dumating din ang negosyante ng mga kasuotan na si Ben Chan, ang may-ari ng Bench.

Ang ikalawang pagkakataon na nakipagtali ng puso si Maxine sa kanyang esposo ay noong ika-17 ng Oktubre, 2023.

Isang maligayang Medina na naman ang lumakad sa harap ng altar.

Gayunman, ang altar ay hindi mismong sa bahay ng Diyos kundi sa gitna ng kalikasan, sa gitna ng kagubatan.

Ito ay dahil sa hardin ng berdeng kapaligiran ng Palawan ikinasal na muli si Maxine.

Baka naman isipin ninyong dalawang lalaki ang pinakasalan ng mutya ng kariktan dahil magkahiwalay pa ang mga petsa ng kasalan niya.

Iisa pong lalaki ang nagdambana kay Medina at ito ay walang iba kundi si Timmy Llana na isang taga-Batangas.

Mabuhay ang mga bagong kasal.

************

Samantala, mabuhay rin ang alagad ng sining na si Nick Nangit dahil nagbabalik siya sa entablado ng musika.

Isa pong piyanista si Nick at ang kanyang pinagkakadalubhasaan ay ang mga klasikong piyesa sa piano.

Pero isa rin pong abugado si Nangit.

Siya nga ay maituturing na Jack of all trades.

Kasi nga nama’y bukod sa pagtipa sa piyano ay spirit questor din siya.

TV host din si Nick sa SMNI.

Ang piano ni Nangit na pinamagatang “Timeless” ay magaganap sa ika-28 ng Oktubre, 2023 sa ganap na ika-3 ng hapon sa Manila Clock Museum sa ika-4 na palapag ng Manila City Hall.

Hindi lamang si Nick ang bituin ng palabas kundi may mga sikat ding makata at pintor na tutula at magpipinta habang siya ay sumasaliw sa musika.

Bibigyan din ni Nangit ng interprestasyon sa piyano ang binigyang-buhay na berso ng makata at ang sining biswal ng pintor.

Bongga, di ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights