Ngayon ay hindi mapapanood ang noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” nang dahil sa pagbababa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng hatol na suspendihin ang palatuntunan nang dahil sa pagpapalabas ng mga eksena na hindi naaayon sa pamantayan ng sensura.
Kung gayon ay matindi pa rin ang kapangyarihan ng sensura sa bansa na sinasabing arbitrary ang pagpuputol ng mga tagpo sa pelikula.
Itong kaso ng “It’s Showtime” ay may kaugnayan sa isang eksena nina Vice Ganda at Ion Perez sa porsyon ng programa na kung tawagin ay “Isip Bata.”
Ipinakita nina Vice at Ion ang kanilang pag-arte sa harap ng publiko kung paano kainin ang icing ng cake sa pamamagitan ng pagkuwit nila sa icing.
Gayunman, ayon sa peryodistang pampelikulang si Art Tapalla, bakit naman sesensurin ang gano’n gawain samantalang hindi naman pinaa o sinalok ng kung anong pangit o masamang bagay ang icing ng cake.
“Sobra naman ang MTRCB. Bakit naman sila nagpapakita ng ganyang kapangyarihan? Para na silang diktador. Ang pagkuwit ng icing sa cake ay natural lamang na ginagawa ng mga tao pero bakit napuna nila ito sa pagganap nina Vice at Ion. Parang hindi makatarungan ang ginawa ng sensura sa pagkakataong ito,” pahayag ng progresibo, showbiz analyst at activist na si Tapalla lalo na sa pagbebenta sa kanya ng Media House Express sa gayong paglalarawan na ikinatutuwa naman ng himpilan kung saan kami nagtatanghal araw-araw ng “The National Entertainment Today,” alas diyes hanggang alas onse ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.
“Paano na ang ating bansa pag ganyan nang ganyan ang sensura? Kung ano na lang ang puwede nilang gawin ay mangyayari,” himutok ni Art na isang aktibista sa showbiz at kahit sa labas ng larangan.
Nang dahil sa suspensyon ng MTRCB sa palabas nina Vice, Ion, Amy Perez, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Karylle Tatlonghari, Kim Chiu, Ryan Bang at marami pang iba, nananawagan ang iba’t ibang sektor ng lipunan na alisin na si Lala Sotto bilang Tagapangulo ng ahensiya.
Gusto nilang ipamukha kay Lala na bakit ito nagpasya na suspendihin ang show nina Ganda samantalang may kaso anila noon na naghalikan nang todo ang mga magulang ni Sotto na sina Helen Gamboa at Tito Sotto na sukat na ikinaangal ng madlang pipol.
Twelve airing days ang suspensyon ng MTRCB sa “It’s Showtime.”
Makaapekto kaya ito sa magandang ratings ng pagtatanghal ng kontrobersyal na palatuntunan ng ABS-CBN?
Mr. C, Matindi Ang Musika
Samantala, matindi ang dating ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab lalo na sa pagdidirek sa musikal ng mga bituin mahuhusay umawit.
Ito ay nakita sa pinakahuling trabaho ni Ryan, kilala rin sa tawag na Mr. C na “Anywhere We Sing Is Home” na itinanghal kahapon sa Samsung Performing Theater sa Circuit Makati.
Grabe ang pinuhunang talento ni Cayabyab sa pagpipiyano sa mga de-kalidad na mga mang-aawit na sina Joanna Ampil, Gerald Santos, Aicelle Santos, Gab Pangilinan, Reb Atadero, Coke Bolipata at marami pang iba sa direksyon ni Floy Quintos.
Sinabi ni Ryan na mas nakakaantig ng damdamin ang paksa ng mga singer na nakilala sa ibang bansa nang dahil sa pagkanta sa mga dayuhang entablado. Gayunman, makabayan ang mga kaluluwa ng mga artista nina Ryan at Floy na sukat na pinalakpakan ng mga manonood kaugnay sa ika-54 na taong anibersaryo ng Cultural Center of the Philippines o CCP.