SABAY na ginanap ang Kandili ng Kalusugan at Job Fair sa Corazon Aquino High School, sa lungsod ng Pasay nitong Sabado, Hulyo 29, 2023
Nagpamigay sa mga Pasayeñong dumalo ng libreng gamot, medical consultation, pneumonia vaccine at flouride application naman para sa mga bata.
Samantala, hired-on-the spot ang mga Pasayeño na nakiisa sa job fair sa ilalim ng Barangay Labor Desk kung saan nakiisa ang SM, Ace Hardware at Prime Works, ilan sa mga kumpanyang naroroon upang bigyan ng trabaho ang mga taga-Pasay.
Ang mga programang ito ay bahagi ng H.E.L.P. Priority Agenda ng Ina ng Lungsod ng Pasay, Mayor Emi Calixto-Rubiano ukol sa pagbibigay ng trabaho at pangangalaga sa kalusugan ng mga Pasayeño. (PASAY PIO)