CEASEFIRE SA PAGITAN NG SENADO, KONGRESO IPINAGPASALAMAT NI ANGARA

NAGPAPASALAMAT si Senador Sonny Angara sa mga mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso dahil sa pananahimik nito o ceasefire sa pagbabatikos sa kanilang mga senador ukol sa usapin ng Charter Change o pag-amyenda sa Saligang Batas at maging ang usapin ng People’s Initiative.

Umaasa si Angara na magtutuloy-tuloy na ang ganitong relasyon ng mga miyembro ng dalawang kapulungan lalo na’t ang mahalaga ay magawa nila ang kanilang tungkulin at trabaho sa isat-isa.

Aminado si Angara na lubhang nakakapagod na din ang palitan ng mga salita na kung saan sa huli ay kaawa-awa ang taong bayan.

Naniniwala din si Angara na walang sinasayang ang senado sa kanilang isinasagawang imbestigasyon ukol sa isyu.

Binigyang-diin ni Angara na mas higit nga silang natuto ngayon dahil sa kanilang napag-aaralan ang lahat lalo na’t bagong proseso ang kanilang ginagamit.

Igingalang naman ni Angara ang bawat opinyon o pananaw ng mga inimbitahan nilang mga resource person gayon din ang mga kasamahan niyang senador.

Nabatid din ni Angara sa imbestigasyon na mas madali ang paggawa ng isang batas kesa ang baguhin ang nilalaman ng konstitusyon.

Aminado din si Angara na hindi talaga magkakasundo ang dalawang kapulungan sa usapin ng  hiwalay na pagboto at proseso ng pagbabago ng konstitusyon gayundin kung ano lang talaga ang babaguhin.  (Nino Aclan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights