PAGTATAYO NG PINAKAMALAKING PHARMACY WAREHOUSE SA MAYNILA SISIMULAN NA

SISIMULAN na ang pagtatayo ng pinakalamaking pharmacy warehouse para sa Lungsod ng Maynila, matapos ang isinagawang ground breaking  ceremony na ginanap sa Pandacan kahapon, Pebrero 12.

Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang nasabing aktibidad, sa pakikipagtulungan ni 6th District Representative Benny Abante at ng Department of Health sa mismong construction site ng Isidro Mendoza Health Center.

Dumalo din dito sina DOH Usec. Dr. Emmie  Liza Perez-Chiong, Manila Health officer Dr. Arnold Pangan at iba pang opisyal na nasasakupan ng nasabing lugar.

“Bilang isang doktor, prayoridad ko ang kalusugan ng bawat Manilenyo. Naiintindihan ko  ang kanilang pangangailangan  ng pagkakaroon libreng gamot  at ang madaliang pagkuha nito para makatulong at tuluyang ng gumaling ang mga may sakit na residente ng Maynila, ” paglalahad ni Lacuna.

Dagdag pa ni Lacuna, tuloy-tuloy aniya na inaayos ang Isidro Mendoza Health Center upang patuloy na makapaglingkod  sa kanyang mga kababayan at upang palakasin pa lalo ang serbisyong pangakalusugan sa Maynila.

 Inaasahang matatapos ang pagsasaayos ng health center ngayong Abril 2025. (MARISA SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights